Monday 2 January 2012

Huli man daw ay magaling, naihahabol din!


Huli man daw ay magaling, naihahabol din!

Alam ko namang gusto mo ding tumulong, hindi ba? Lalo na sa mga kapatid nating tiga Mindanao na biktima ng bagyong Sendong. Siguro ay gustong-gusto mo din magpadala ng tulong sa kanila at hindi mo lang alam kung paano.

'Wag ng magpatumpik tumpik pa at magpunta na sa pinakamalapit na remittance center. Mapa I-Remit, BTI money transfer o LBC man yan, tatanggapin nila ng buong puso ang ipapadala mong tulong. At ang masaya pa nito, libre nilang ireremit ito :)

Sana ay naisip din natin ang mga nangangailangan ngayong mga panahong ito at hindi lamang puro iPhone at Longchamp bag ang nasa isip natin. Let's make a difference!

Let's make our year productive and meaningful!

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat!


Singapore, Dec 2011