Monday, 15 August 2011

White Lady

May nakita akong White Lady sa Auckland!
Meron talaga! Hindi ako nagsisinungaling. Ito siya oh...
White Lady fast food burger
Para sa mga Pinoy, hindi ito ang white lady na nakikita sa Balete Drive o ang nagpapakita tuwing Halloween. Hindi din ito ang mythical creature nating mga creative minds. Ito ang white lady ng mga gutom na puti(caucasians). 

Ang White Lady ay isang fast food burger bus on wheels. Nagsimulang mambusog ang white lady na ito nung 1940 sa mga kabataang galing sa pubs o bars, inshort, mga lasing. Ito ay matatagpuan sa Commerce Street malapit sa Queen Street. Huwag niyo ng balaking puntahan siya sa umaga dahil katulad din ng white lady natin sa Pinas, gabi lang siya nagpapakita.

 
Lagi ko itong nadadaanan pauwi kapag galing ako sa Queen Street. Nacurious ako dito at bago pa mahuli ang lahat, tinikman ko ang isa sa kiwi-style burgers nila.


Hawaiian Burger for NZ$ 8.50  x 35=PHP 297.50











Sa totoo lang, wala namang masyadong extra ordinary sa burger nila. No much difference than a Mc Donald's burger or any other fast food chain 'yun nga lang, hindi ito nakakasuya. I think it's really just the feel of it - ang umorder sa isang mobile burger chain na kasabay ang mga kabataang Kiwing party animals. Nevertheless, I enjoyed the experience. :)


Auckland, July 2011

Thursday, 4 August 2011

Mummy and baby friendly mall

Habang naglilibot sa Sylvia Park Mall, napansin ko na ang madaming shops dito para sa mga babies. Parang ito ang haven ng mga nanay sa pamimili ng mga gamit ng mga tsikiting. Wide variety of prams, damit at kung ano anong aksesorya ni baby. Ngunit hinid ko ito pinagtuunan ng pansin hanggang sa magpunta kami sa toilet para sa aking pamangking si Eric. Katulad ng ibang mall, mayroong pintuan para sa women, men at parents. Sumama ako sa ate at pamangkin ko pagpasok sa toilet at hindi sa pagmamalabis pero namangha ako sa toilet. Nakakatawa man ako pero kahangahanga naman talaga. (1st time ko kasi makakita ng ganitong toilet)

Hayaan niyo akong ipakita sa inyo ang aking mga nakita.

ang aming pass para makapasok sa parents toilet

playpen ba ito? o pwedeng pram parking

very cozy changing table for baby ang mummy
kita mo nga naman yan. may microwave pa para pwedeng initin ang pagkain ni baby

para initin ang bottled formula milk ni baby

locking and unlocking the door (looks techie to me)

(paumanhin sa mga sensitibo)  one for mummy and one for the little rascal
Ito ang humuli ng pansin ko. Ano ito sa iyong palagay?
Ito ang upuan ni mummy kung siya ay nagbrebreastfeed.

Hindi nga ba nakakatuwa ang toilet na ito? Personally, ako ay napahanga at natuwa sa toilet na ito dahil sa dami ng malls na aking napuntahan, ngayon lang ako nakakita ng ganitong uri ng toilet.


Sylvia Park Mall, Auckland, July 2011

Tuesday, 2 August 2011

Sumagi sa isip ko ang Sumaguing Cave

Spelunking at Sumaguing Cave is one of the must dos in Sagada. Thinking it would be chicken feet for first timers? Ahm, think again or better yet, test your capacity.

Simulan na natin ang tatlong oras ng saya !

Welcome!
Trese kami sa grupo ng gawin namin ito. Lahat ay excited makapasok sa kweba ngunit bago ang lahat, "safety first" rule. We were briefed by our tourguides on the stages of the journey. May stage 1 - madali, stage 2 - mahirap at stage 3 - mas mahirap. Sabi ng mga tourguides namin, may mga turista daw na nagbaback out pagkalampas sa stage 1.

Ang nagsilbi naming ilaw
Mga guides kasama si chito(nakahawak ng ilaw)

Para sa mga maarte at ayaw madumihan kong mga kaibigan na nais pasukin ang kwebang ito, pag-isipan niyo ng mabuti kung kaya ninyong tumapak sa mga pupu ng mga katropa ni Batman na nakayapak. Tama, nakayapak kami dahil maaring madulas kapag nag iinarte at nakatsinelas. Get yourself ready for an adventure you'll never forget!

Photo ops



Madaming maaring makitang rock  formations sa loob ng kweba. May pigpen, ulo ng pawikan, kurtina,at sina  King at Queen (ano ito? it's for you to see). Mamamangha ka din sa galing ng May Gawa at sa nature kung pano ito nagawa. Madadaanan din ang mga kumukutikutitap na mga limestone. Pwede ding magswin sa libreng swimming pool kung kakayanin mo ang lamig.

Mararanasan din dito dumaan sa tinatawag nilang "expandable hole". Sabi ng aming tourguide, kahit daw gaano kalaki o kaliit ang mga turista, makakadaan dito. "Wag ka lang sigurong maging pasaway at baka matrap ka.

The expandable hole
Spelunking adventure would not be complete if it doesn't include passing through a horizontal at vertical slippery stones using rope. Tama ulit ang nabasa mo.  Gagamit ng lubid sa paglalakad sa makitid na daanan at pag-akyat para makalabas sa kweba.
 


Sounds fun? It is indeed! Big time fun. 

Trese kaming nagsimula. Mabuti naman at trese din kaming natapos
It is always better to try something new and become daring.

Sagada, April 2010