Sino pa kayang Pilipino ang hindi pa nakarinig o nakapagbigkas ng mga katagang ito - "OK LANG".
Sa ating kulturang Pinoy, ang "ok lang" ang isa sa pinakasikat at pinakagasgas na linya. Convenient at versatile kasi ito. Palitan mo lang ng mga punctuation marks, dagdagan kaunti ng ilang salita at sabihin sa iba't - ibang tono. AYOS!, Magfifit in na sa kung anong sitwasyon ka man naroon.
Masaya - OK na OK pare!
(masiglang bigkas)
Galit - Ok ka lang?!
(mabilisang bigkas na may bigat)
Tamad - Ok lang..
(mabagal na bigkas)
Concerned citizen - Ok ka lang ba pare?
(patanong na bigkas na waring nang uusyoso)
...at madami pang iba.
Bakit nga ba nahiligan nating sabihin ito? Ito kasi siguro ang pinakamadaling sabihin sa kahit anong sitwasyon at tinatanggap naman ng karamihan. 'Yung tipong tamad ka nang mag-isip ng mas may lalim na tanong o sagot. At kung hindi ka naman interesado sa kausap mo, e bat ka pa nga naman mag iisip, hindi ba?
Ngunit, sa ibang mga pagkakataon naman, paganahin naman natin mga utak natin. Example, namatayan yung taong kausap mo at tatanungin mo ng "ok ka lang ba?" Ano sa tingin mo? Ikaw na nagtatanong, naranasan mo na bang mamatayan o di kaya ay mawalan ng importanteng tao sa buhay? At kung hindi ka pa nakontento, sasabihan mo pa ng "ok lang yan pare". E malamang naman na alam mo na hindi ok 'yun dahil hindi lang yun parang naagawan ka ng candy ng kalaro mo. Isa pa, nakita mo ng iyak ng iyak ang kaibigan mo tapos babanatan mo ng - "Ok ka lang?". Ano ba ate? 'Meron bang taong "ok" na iyak ng iyak?
Bakit nga kaya natanim sa sistema natin ito? Dahil ba "play safe" tayong mga Pinoy? Wala ba tayong paninindigan na lagi nalang "ok lang"? Takot ba tayong pumili ng stand natin sa buhay at kahit sa simpleng bagay na itatanong sayo, kunwari, "Gutom ka ba?", ang isasagot pa din natin ay "ok lang"? Saan ba patungo ang sagot na "ok lang"? Kung ikaw ay pessimist, maiintidihan mong, HINDI pa siya gutom at kung ikaw naman ay optimist, maiisip mong, OO gutom na siya.
Kaya kung may kausap kang ganito ang sagot sayo dahil tinamad na siyang mag-isip, pwes! ikaw naman ang kailangan mag isip ngayon sa kung ano mang ibig niyang sabihin sa mga katagang ito.
Nakipag usap ka pa kasi sa kanya.
Singapore, Sep 2011. Inspired by WOTL of Lourd de Veyra.
Showing posts with label Philippines. Show all posts
Showing posts with label Philippines. Show all posts
Tuesday, 20 September 2011
Wednesday, 14 September 2011
mahabang BYAHE = mahabang SAYA
Long distance drive - El Nido to Puerto Prinsesa. Around 5-6 hours.
Bagot? Masakit sa pwet? Walang magawa?
Pwes! Iba ang kwento namin. Na enjoy namin ang long distance drive from El Nido to Puerto Prinsesa. Sa katanuyan, ayaw pa nga sana naming makarating sa pupuntahan namin. Pinapagrelax namin ang hot na hot naming driver na tumatakbo ng 120km/hr na walang preno sa mga kurbada at lubak. Ngunit salamat sa larong "Pinoy Henyo" (from Eat Bulaga) at pansamantalang nakalimutan ang byahilo, ang takot sa mga kurbada at dinedma ang sakit ng pwet sa pagkakaupo.
Hinati namin ang aming grupo sa dalawa - isang grupo ay tatlo at ang isa naman ay apat. Nagpalitan kami ng mga salita(words) na ipapahula sa isa't-isa. Walang kategorya, sariling gawa. Ang matatalong grupo ang bibili ng pagkain at iinumin namin nung gabing iyon.
Nagsimula na nga - ang tilian, ang tinginan ng magkakagrupo na waring gustong kainin ang taya, ang tinginang kulang nalang ay sabihing ang t*nGA mo!, ang tawanan, ang sakit sa ulo dahil sa matinding tawanan at hindi mamatay matay na tawanan.
Ilan sa mga pinahulaan naming mga salita ay tatto, Las Vegas, gabi(root crop), damo, pako, airport, poste. Ngunit ang hindi ko makakalimutan na salita at moment dito ay ang pagpapahula sa salitang bisikleta.
(Legends: N - Nanghuhula, T - Teammates)
N- Bicycle?
T- OO (sabay tango ang dalawang kasama)
N- Kadena?
(hagalpak sa tawanan ang lahat!)T- Hindi
N- Gulong?, Preno? Upuan?
T I M E I S U P!!!
Pati ang hot na hot naming driver ay hindi napigilang mainis at magcoach sa katabi niyang nanghuhula.
Isa ito sa mga hindi mababayarang kasiyahan namin nung araw na 'yon. Kaya sa mga susunod na mahaba habang byahe, hindi problema yan. Siguraduhin lang na game sa kasiyahan ang mga kasama at walang killjoy at anti-social. Kung hindi, iPAKO na yan sa POSTE!
GOOD TIMES!
El Nido - Puerto Prinsesa Drive, Aug 2011

![]() |
| Team A - PANALO! |
![]() |
| Team A - PANALO! |
![]() |
| Team A - PANALO! |
![]() |
| Team B - hindi PANALO! |
![]() |
| Team B - hindi PANALO! |
![]() |
| Team B - hindi PANALO! |
![]() |
| ang hindi mababayarang saya! |
Isa ito sa mga hindi mababayarang kasiyahan namin nung araw na 'yon. Kaya sa mga susunod na mahaba habang byahe, hindi problema yan. Siguraduhin lang na game sa kasiyahan ang mga kasama at walang killjoy at anti-social. Kung hindi, iPAKO na yan sa POSTE!
GOOD TIMES!
El Nido - Puerto Prinsesa Drive, Aug 2011
Tuesday, 13 September 2011
Napasaya mo ako, Pico de Loro (2 of 2)
Pagkatapos ng ulan, kidlat at kulog, isang maaliwalas na umaga ang tumambad sa amin. Salamat sa magandang panahon nung araw na 'yon. Naglakad lakad sa paligid at nag site ng own location for morning rituals. Sssh ssh lang naman.
Ang kahapong madulas na trails at madilim na paligid ay napalitan ng kaaya-ayang tanawin, clear sky at may bonus na morning breeze pa.
![]() |
| morning breeze |
![]() |
| ayun oh! maya maya lang, andyan nako! |
Sunday, 4 September 2011
Napasaya mo ako, Pico De Loro (1 of 2)
At heto nanaman po ako, aakyat nanaman ng bundok ng wala man lang BMC(Basic Mountaineering Course) at higit sa lahat, wala nanamang cardio exercises. Hay! Isususgal ko nanaman ba ang aking katawan?
Wala naman talaga sa plano ko ang sumama sa boyfriend kong umakyat ng Pico De Loro ngunit dahil sa mga circumstances ay napasama na din ako. Ito ay ang unang akyat ng mga aplikante ng SBMS S.Y. 2011-2012 (San Beda Mountaineering Society) na kung saan ay myembro si boyfriend at alumni na. At dahil d'yan ay maari silang magsama ng guest at ako nga iyon kasama ang kaibigan kong si Che.
Umalis kami ng Manila ng mga 8am patungong Ternate Cavite, nag stop over sa Maragundon para bumili ng pananghalian at nagtungo na sa DENR office upang magregister at magbayad ng PHP 20 per head. Take note, register lang ito at wala kung ano mang briefing galing sa mga taga DENR.
Pagkatapos ng pagdadasal as a group at konting warm-up exercises, sinumulan na namin magtrek ng 1030am. Nakarating kami sa 1st base camp after 30minutes. Dito na kami naglunch. maganda sa 1st base camp, malinis, may CR at pwedeng magrefill ng tubig. Kailangan ding magregister dito at magbayad ulit ng PHP 20 per head. Bakit magbabayad? Dahil sa paggamit ng kanilang mga pasilidad. Sabi nga ni ate Yolly (lokal, isa sa mga namamahala), buti pa nga daw sila ay may karapatang maningil ginagawa nila ang kanilang trabaho sa pagbibigay ng ganitong lugar sa mga umaakyat ng Pico, samantalagang ang DENR daw ay tumatanggap lamang daw ng pera. (Tama nga naman) Ayon sa mga taga DENR, sanay naman daw sa masukal ang mga mountaineers kaya hindi na kailangan pang linisin ang trail (Ano sa iyong palagay?)
Nagtuloy tuloy ang aming trekking.
Para sa isang baguhang umaakyat ng bundok na katulad ko, medyo mahirap nga ang trail dito kung ikukumpara sa Mt Pulag at Mt. Pinatubo (opo, dalawang bundok palang naakyat ko), ngunit iba iba talaga ang karakter ng mga bundok. Mahirap nga ang trail dito pero normal lang naman ang breathing dahil hindi masyadong mataas ang elevation, kaya madali na din.
Sa paghahanap sa campsite, naligaw kami at napunta sa ridge.
Isa sa mga peak na nagbibigay ng magandang tanawin. Bago ang paghahanap ng tamang daan, syempre hindi makakalimutan ang photo ops. Pagkatapos ang hinanap ni boyfriend ang trail patungong campsite at naghintay kami sa kung nasaan kami kasama ang mga aplikanteng pagod na pagod na.
Inabot na kami ng ulan saka dumating ang rescue team mula sa aming mga kagrupong nakahanap ng tamang daan. Malakas ang ulan, humahangin, kumukulog, kumikidlat, umaagos ang tubig kasama ng mga putik. Mahirap na nga ang trail, naging madulas pa! Walang kasing saya ito!
Pinatila muna namin ang ulan bago kami nag set up ng mga tents namin at nag ayos ng mga basang gamit. Dumating ang kasama namin (mga alumni) sa grupo ng mga 11pm(afternoon batch). At dahil kaunti palang ang exposure ko sa buhay bundok, natuwa ako sa mga hinanda nilang dinner. Nagluto sila ng sinigang na baboy (may kangkong, labanos at okra), beef lumpiang shanghai at fried chicken (dipped in egg and breadcrumbs). Hindi ko naisip na pwedeng lutuin yun sa bundok ah. Akala ko mga canned goods at pasta lang ang pwedeng ihanda sa bundok. Next time!
Pico de Loro traverse climb, Ternate Cavite - Nasugbu Batangas August 2011
Wala naman talaga sa plano ko ang sumama sa boyfriend kong umakyat ng Pico De Loro ngunit dahil sa mga circumstances ay napasama na din ako. Ito ay ang unang akyat ng mga aplikante ng SBMS S.Y. 2011-2012 (San Beda Mountaineering Society) na kung saan ay myembro si boyfriend at alumni na. At dahil d'yan ay maari silang magsama ng guest at ako nga iyon kasama ang kaibigan kong si Che.
Umalis kami ng Manila ng mga 8am patungong Ternate Cavite, nag stop over sa Maragundon para bumili ng pananghalian at nagtungo na sa DENR office upang magregister at magbayad ng PHP 20 per head. Take note, register lang ito at wala kung ano mang briefing galing sa mga taga DENR.
![]() |
| Tayo na't umpisahan ang trekking |
Pagkatapos ng pagdadasal as a group at konting warm-up exercises, sinumulan na namin magtrek ng 1030am. Nakarating kami sa 1st base camp after 30minutes. Dito na kami naglunch. maganda sa 1st base camp, malinis, may CR at pwedeng magrefill ng tubig. Kailangan ding magregister dito at magbayad ulit ng PHP 20 per head. Bakit magbabayad? Dahil sa paggamit ng kanilang mga pasilidad. Sabi nga ni ate Yolly (lokal, isa sa mga namamahala), buti pa nga daw sila ay may karapatang maningil ginagawa nila ang kanilang trabaho sa pagbibigay ng ganitong lugar sa mga umaakyat ng Pico, samantalagang ang DENR daw ay tumatanggap lamang daw ng pera. (Tama nga naman) Ayon sa mga taga DENR, sanay naman daw sa masukal ang mga mountaineers kaya hindi na kailangan pang linisin ang trail (Ano sa iyong palagay?)
![]() |
| Mabatong daanan patungong Pico de Loro |
Nagtuloy tuloy ang aming trekking.
![]() |
| Pahinga muna mga bata (mga aplikante ng SBMS, 16-17yrs old) |
![]() |
| The view from the Ridge |
![]() |
| Masukal na daan patungong Ridge |
![]() |
| ang nagsilbi naming silungan ng gabing 'yun |
Pinatila muna namin ang ulan bago kami nag set up ng mga tents namin at nag ayos ng mga basang gamit. Dumating ang kasama namin (mga alumni) sa grupo ng mga 11pm(afternoon batch). At dahil kaunti palang ang exposure ko sa buhay bundok, natuwa ako sa mga hinanda nilang dinner. Nagluto sila ng sinigang na baboy (may kangkong, labanos at okra), beef lumpiang shanghai at fried chicken (dipped in egg and breadcrumbs). Hindi ko naisip na pwedeng lutuin yun sa bundok ah. Akala ko mga canned goods at pasta lang ang pwedeng ihanda sa bundok. Next time!
Pico de Loro traverse climb, Ternate Cavite - Nasugbu Batangas August 2011
Tuesday, 2 August 2011
Sumagi sa isip ko ang Sumaguing Cave
Spelunking at Sumaguing Cave is one of the must dos in Sagada. Thinking it would be chicken feet for first timers? Ahm, think again or better yet, test your capacity.
Simulan na natin ang tatlong oras ng saya !
Trese kami sa grupo ng gawin namin ito. Lahat ay excited makapasok sa kweba ngunit bago ang lahat, "safety first" rule. We were briefed by our tourguides on the stages of the journey. May stage 1 - madali, stage 2 - mahirap at stage 3 - mas mahirap. Sabi ng mga tourguides namin, may mga turista daw na nagbaback out pagkalampas sa stage 1.
Para sa mga maarte at ayaw madumihan kong mga kaibigan na nais pasukin ang kwebang ito, pag-isipan niyo ng mabuti kung kaya ninyong tumapak sa mga pupu ng mga katropa ni Batman na nakayapak. Tama, nakayapak kami dahil maaring madulas kapag nag iinarte at nakatsinelas. Get yourself ready for an adventure you'll never forget!

Madaming maaring makitang rock formations sa loob ng kweba. May pigpen, ulo ng pawikan, kurtina,at sina King at Queen (ano ito? it's for you to see). Mamamangha ka din sa galing ng May Gawa at sa nature kung pano ito nagawa. Madadaanan din ang mga kumukutikutitap na mga limestone. Pwede ding magswin sa libreng swimming pool kung kakayanin mo ang lamig.
Mararanasan din dito dumaan sa tinatawag nilang "expandable hole". Sabi ng aming tourguide, kahit daw gaano kalaki o kaliit ang mga turista, makakadaan dito. "Wag ka lang sigurong maging pasaway at baka matrap ka.
Spelunking adventure would not be complete if it doesn't include passing through a horizontal at vertical slippery stones using rope.
Tama ulit ang nabasa mo. Gagamit ng lubid sa paglalakad sa makitid na daanan at pag-akyat para makalabas sa kweba.

Sounds fun? It is indeed! Big time fun.
It is always better to try something new and become daring.
Sagada, April 2010
Simulan na natin ang tatlong oras ng saya !
![]() |
| Welcome! |
![]() |
| Ang nagsilbi naming ilaw |
![]() |
| Mga guides kasama si chito(nakahawak ng ilaw) |
Para sa mga maarte at ayaw madumihan kong mga kaibigan na nais pasukin ang kwebang ito, pag-isipan niyo ng mabuti kung kaya ninyong tumapak sa mga pupu ng mga katropa ni Batman na nakayapak. Tama, nakayapak kami dahil maaring madulas kapag nag iinarte at nakatsinelas. Get yourself ready for an adventure you'll never forget!
![]() |
| Photo ops |

Madaming maaring makitang rock formations sa loob ng kweba. May pigpen, ulo ng pawikan, kurtina,at sina King at Queen (ano ito? it's for you to see). Mamamangha ka din sa galing ng May Gawa at sa nature kung pano ito nagawa. Madadaanan din ang mga kumukutikutitap na mga limestone. Pwede ding magswin sa libreng swimming pool kung kakayanin mo ang lamig.
Mararanasan din dito dumaan sa tinatawag nilang "expandable hole". Sabi ng aming tourguide, kahit daw gaano kalaki o kaliit ang mga turista, makakadaan dito. "Wag ka lang sigurong maging pasaway at baka matrap ka.
![]() |
| The expandable hole |
Spelunking adventure would not be complete if it doesn't include passing through a horizontal at vertical slippery stones using rope.
Tama ulit ang nabasa mo. Gagamit ng lubid sa paglalakad sa makitid na daanan at pag-akyat para makalabas sa kweba. 
Sounds fun? It is indeed! Big time fun.
![]() |
| Trese kaming nagsimula. Mabuti naman at trese din kaming natapos |
Sagada, April 2010
Friday, 22 July 2011
FlyFish in Boracay!
Bakit ka pupunta sa Boracay?
- Para mag swim?
- May problema ka bang gustong kalimutan?
- Gusto mo bang lumipad?
- Gusto mo bang sumigaw?
- Gusto mo bang mag enjoy?
Pwes! Isang sakay lang yan sa flyfish at siguradong tanggal ang memory card ng utak mo.
I was excited but having second thoughts as well when my group decided to try the flyfish. But, I love adventures so i said YES!
This is it pansit! We were five in a group and manong bangkero strategically arranged us on the inflatable raft. If you want to spice up this adventure, position yourself not on the middle part of the raft. Hatak hatak na kmi ng motorboat papunta sa masmalalim na parte ng dagat.
It's just really like a banana boat until...
zoom! The motorboat increased the speed that made the raft literally lift up 45degrees from the surface and there's more, the raft turned side ways. And the results?
We were thrown out into the waters.
Flyfish is a must in Bocaray. It cost 550-650php per person but it's worth it!
I am back in Boracay, May 2010

![]() | ||||
Evidence #1 - Ate gi going back to raft
|
![]() |
| Evidence #4 - My turn to go back to my position |
![]() |
| Evidence #5 - Bakit tatlo nalng sila? |
![]() |
| Evidence #6 - Bakit nawala yung dalawa? |
![]() |
| We were so much satisfied and overjoyed! |
Flyfish is a must in Bocaray. It cost 550-650php per person but it's worth it!
I am back in Boracay, May 2010
Saturday, 11 June 2011
All I had was the spirit of ADVENTURE
Para lang siyang walk in the park" - yan ang description ni boyprend, tungkol sa pag akyat ng Mt Pulag. Lagi kong tinatanng sa kanya pero paulit ulit din ang sagot niya. Mayroong consistency. Siguro nga totoo. Kaya nang inaya niya ako para sa pre-valentine date namin, I said Yes!
Here comes the truth.
Masaya ang lahat habang naghihintay ng ibang kasama sa Victory Taft Station. May kasama kaming isang malaking grupo consisting of more or less 15passengers. At may katangi tanging isang babae sa aming grupo na walang kasama. Gusto lang daw niyang mapag isa. Naisip ko, "ok to ah..malakas ang loob"
We left Manila at 11pm at nakarating kami sa Baguio ng 6am. Malamig! Naglabasan na ng mga jacket at bandana. We were given an hour to buy some of our additional BASIC needs like chocolates, water, jelly ace at kung ano pang pampataas ng blood sugar. OO, tama ka ng nabasa. Basic ang mga ito sa pag akyat ng bundok, lalo na kung ito ang pinakamataas na bundok sa Luzon at pumapangatlo sa buong Pilipinas. Pagkatapos ng strawberry taho session at 711 shopping, sumakay na kami sa monster jeep. Bakit Monster and twag sa jeep na ito? Siguro dahil isang halimaw na daan ang kanyang sasagupain kaya kailangan din niyang maging malaki at malakas. Paglabas ng City of pines, kung gusto daw naming madagdagan ang saya, maari kaming mag top load o sumakay sa bubong ng jeep. Sinong may kaya?
Dumaan kami ng Pinkan Jo Eatery for our pack lunch kasi wala ng mabibilhang kainan along the way.
Sino na mag totop load?
Ambuklao Dam
Ituloy ang saya! At dahil isa akong mapangahas na bata, sinubukan ko syempre ang mag top load. Mas masaya at mas maganda pala sa taas dahil hindi nararamdaman ang pag gewang gewang ni Monster jeep. Ilang oras ang nakaraan, nakarating na kami sa DENR office kung saan ay kailangan naming magreister at makinig sa orientation/briefing. Kung iniisip mong ito ay nakaantok at isang matanda ang magsasalita, well, partially correct ka. medyo may idad na si maam, pero witty. Isa sa mga natatandaan kong sinabi niya, "Iwasan ma pollute ang Mt. Pulag. Hindi lang sa pagtatapon o pagkakalat ang iwasan kundi ang noise pollution sa gabi. lalo na kung dalawa lang kayo sa tent" (yikee! si maam, me nalalalman pang ganun!) We were also reminded of the "safety first pollicy". Hindi daw pwede ang "KAYA KO TO attitute " dahil fatal ang high altitude sickness at hypothermia. scary db? pero sabi ko nga, dahil ako'y isang mapangahas,pasaway at agresibong bata, hindi ko pinansin ito at inadapt ko pa din ang "Kaya ko To attitude".
Pagkatapos ng ilang oras pa, nakarating na kami sa ranger station which is the jump off point for our trail - Ambangeg Trail which is called the executive trail or the easiest trail as well. We had our lunch here at magtoothbrush na din hanggang asa baba pa ng bundok at hanggang kaya pa ng ngipin mong tiisin ang lamig. From the Ranger Station, we will trek for 4hours (turtle pace o mas nababagay ata ang ant pace) to the Campsite. May mga porters din palang for hire dito. PHP250/way para buhatin ang bag mo para maging madali ang pag ayat mo. Ngunit, ako ay mayabang. "KAYA KO TO attitude" ulit.
Bago ang lahat, we had our prayer as a group.
At 'wag na nating patagalin, form a single line children at gagawin na natin ang first assault.
"Are we there yet?" ang paulit ulit na tanong ni donkey kay Shrek. At ganun din kami. May mga nadulas na sa amin. Ang mga kaninang magagara na Merrell at North Face shoes ay hindi mo na makikilala sa mga putik na nakakapit.
Ako ay naging isang bata ulit na natuwa sa mga malalaking puno, iba't ibang hugis at kulay ng dahon. Words are not enough to describe it. Kakaiba! Ang galing!
Ngunit, di ko pa din nakalimutan ang sabi ni chito sakin na parang walk in the park lang to. Sabi ko sa knaya - "asan ang walk in the park dito?". Mukhang nakalimutan ko ata na iba iba ang perspective ng tao sa isang bagay. Naklimutan kong pang limang akyat na niya ito sa Mt. Pulag at isa siyang mountaineer. Baka ang "park" pala na sinasabi niya ay ang tanawin (which is true! honestly, more than a park), hindi ang trail. Pero anong gagawin ko? Hindi ako pwedeng magbackout. sayang naman.. Kaya, GO pa din! I asked some of members of the group if they also feel what I feel. At hindi nga ako napahiya. Hindi lang pala ako ang mag isang nakakaramdam nun. Pampdagdag ng lakas ng loob to!. Daanin nalang sa kwentuhan. Nalaman kong nagprepare pala sila dito. Ang iba ay nag cardio for 2 weeks o 1month at may nalaman pa akong isang bwan na inakyat ang 12th floor office nila para dito. E ako naman daw? ah, eh, ih, oh, uh! Kaya pala ako hirap na hirap dahil wala akong preparation. Ni hindi man lang ako nakapag jog, o naglakad ng malayo. tsk tsk tsk Indeed, All I Had was the spirit of ADVENTURE!
Ang leader naging sweeper na ng grupo.
After 4 hours, may nakita na kaming campsite. Sabi ko, sa wakas nakarating din. Pero to my dis appointment, hindi pa pala yun? Sige akyat pa! sa extention campsite pala kami dahil puno na ang ibang campsite. Upon reaching the area, hay! Park nga Ito. Madaming tao na tipong nagpipicnic at may kanya kanyang tent at pagkain.
Now, it's time to rest and wander around. Yun ay kung makakapaglakad ka. Ayun oh, me sea of clouds.
Alas syete na! Tulugan na! OO, Kailangan na nming matulog para hindi maramdaman ang mas tumitinding pagbaba ng temperatura. At dahil magigising kami ng 330am para sa last assault namin sa summit. tik tak tik tak, 10pm - naglalalkbay diwa, naninikip ang dibdib, hindi makahinga..11pm - nagdadasal - 'wag naman Po sana ito ang huling araw ko(totoo 'to! walang halong biro) 1am - im still up..330am - gising na mga kasama! Tayo ay lumusob na! sa summit.. hehehe
Mas maganda ang trail ng papuntang summit dahil grassland to. Para kaming 7dwarfts na early bird sa pagmimina. lahat ay may headlight except ako. Napakaganda. Foggy! walang makita.. Oops, umuulan. Ay hindi pala. Ngunit nababasa ang jacket ko. Naisip ko ganito pala pag asa ulap ka.
Ayan, may naririnig na akong nagsisigawan sa taas ng bundok, pagtingin mo sa langit, nakikita mo ang light ng mga lente nila.Abot kamay mo na ang langit. Ganun kami kataas. 2922meters above the sea level ba naman e. Nang nakarating na kami sa summit, madaming dwarf bamboo. Makikita mo ang paghawi ng hangin sa mga ulap. Madaming tao. Nagkakape, nagkwekwentuhan, nagphohoto ops.
Fulfilling! Masaya! Rewarding!
Ang ganda ng Pilipinas!
Kahit na nahirapan ako sa Mt. Pulag assault, I am still thankful I made it and I was able to be with great people along the way and to see the magnificent work of God.
It is a unique experience once again! The most adventurous thing I ever did!
Mt. Pulag, Benguet (Feb 2011)
http://www.trailadventours.com/dest
http://www.trailadventours.com/dest
Subscribe to:
Posts (Atom)