Pagkatapos ng ulan, kidlat at kulog, isang maaliwalas na umaga ang tumambad sa amin. Salamat sa magandang panahon nung araw na 'yon. Naglakad lakad sa paligid at nag site ng own location for morning rituals. Sssh ssh lang naman.
Ang kahapong madulas na trails at madilim na paligid ay napalitan ng kaaya-ayang tanawin, clear sky at may bonus na morning breeze pa.
|
morning breeze |
|
ayun oh! maya maya lang, andyan nako! |
|
Nang mabusog na ang aming mga mata at tyan, naghanda naman ang lahat sa last assault sa Summit 2(bundok na katapat ng Pico) at Summit 3(Parrot's beak o ang Pico de Loro). Masasabi kong physically demanding ang akyat na ito dahil sa matatarik nitong trails ngunit napawi lahat 'yan ng overlooking Batangas, Bataan, Mindoro at Cavite - an aerial view.
Hindi man namin naakyat ang summit ng Pico de Loro dahil sa pagkapigtas ng lubid na nakakabit dito, masaya pa rin kaming bababa dito lalo na't Nasugbu trail ang aming daan pababa. Another daring adventure! At hindi nga ako nagkamali, daring nga ito! Kung gaano kahirap ang trails ng Ternate(Cavite), walang wala ito kung ikukumpara sa Nasugbu(Batangas). Parang lahat kami ay naging bata dahil sa pa-slide na daan at ala-monkey bars gamit ang mga kawayan. Sabi nga ng mga alumni/beterano na kasama naman, hindi pwedeng "rumatrat"(rumatrat - bilisan ang paglalakad/pacing) dahil dadahusdos ka talaga.
Sa mga aakyat ng Pico De Loro, I suggest you do the traverse climb (Ternate-Nasugbu). Its a little bit difficult but it is really fun, dirty and fun ulit!
Pico De Loro, August 2011 |
No comments:
Post a Comment