Friday, 16 November 2012

Kampong sa Singapore

Pulau Ubin - ang huling Kampong sa bansang Singgapur. 

Welcome!
Ano ba ang Kampong? Marami tayo nito sa Pilipinas, ngunit dito, ito ay maituturing kahuli hulihang tipo nito sa lungsod ng mga leon (lungsod {pura} ng leon {singa}) . 

Ito ang mga iilang larawan para matukoy ang isang kampong.

Kampong Style 1
Kampong Style 2
Kampong Style 3
Kapag ikaw ay nasa 1st world country tulad ng Singapore, iilan na lamang ang makikita mong ganito. Ito ay maituturing na probinsiya o baryo sa atin, sa Pilipinas.


Unang beses kong nakapunta dito. Sumakay kami ng bumboat galing Changi Point Ferry terminal. Ang pamasahe ay nagkakahalagang SGD 2.50/pax = PHP 85/ pax.  
naglalaman ng doseng pasahero
Pagdating sa Ubin Jetty, may nag abot samin ng flyer ng isang resort – Celestial Resort (SGD 10 = PHP 340) para sa bike rental at 1 hour na fish spa o kayak. Pinili naming ang bike rental at 1 hour fish spa, na hindi ko pa din nagagawa :)
 
Take your pick!
Marami pang ibang parentahan ng bisikleta sa lugar na ito at mga kainan ngunit hindi na namin ito inurirat pa dahil excited na kami magbisikleta!.





Hindi madali ang mga trails dito para sa katulad kong sanay sa patag na kalsada lang nagbibisiketa. May mga ilang uphills,mga rough road at off road, idagdag mo pa ang matinding sikat ng araw at basic function lang ng bisikleta. Kaya sa susunod kong bisita dito ay magrerenta na ako ng medyo advanced type ng bisikleta ngunit ito ay medyo mas mataas sa S$10.

Napunta kami sa isang lake na ito na maituturing kong parang Mt Pinatubo Crater. Hindi ito madaling mapuntahan dahil sa mabatong daan pero it's worth it naman. :)



Pahinga muna.
Bumili ng inuming pampalamig.
Magkwentuhan.
Damhin ang simoy ng hangin sa kampong.


Softdrinks - SGD 1.5/can = PHP 51/can
Island Coconut - SGD 2.5 (kung matigas na ang laman) = PHP 85/buko
SGD 3 (kung pang buko salad ang laman) = PHP 102/buko
Si Nem po, ang galit na galit sa buko!

 Kadalasang pumupunta dito ang mga tao upang mag bisikleta, mag roller blades o maglakad sa napakalaking park. Ito ang pinakamalapit na escape sa main city. Panandaliang tumakas sa mataong lugar, matataas na gusali at marangyang kapaligiran ng Singapore (ngunit nasa Singapore ka pa din. hehe).


Pulau Ubin, October 2012

No comments:

Post a Comment