Monday, 18 July 2011

Mula AparrI…


Mula Aparri Hanggang Jolo
Saan ka man ay halina kayo
Isang libo't Isang tuwa
Buong bansa... Eat Bulaga

- ito ang pinakasikat na kanta sa ating bansa na nakasama ang bayan naming Aparri. Sino nga bang Pinoy ang hindi nakakaalan o nakarinig man lang nito? Salamat sa Eat Bulaga na nagpakilala sa aming abang bayan sa madlang people. Ngunit, sapat na nga ba na malaman ng mga Pinoy na may bayan na nagngangalang Aparri?

WELCOME to Aparri!
Kapag sinasabi kong taga Aparri ako, madalas nagugulat ang kausap ko. Sabi ko sa sarili ko, "anong mayroon sa Aparri at nagugulat sila?". Ano ba itong gulat na ito? Pagkatakot ba o pagkamangha? Tinatanong din nila kung anong nakikita doon. Kung nabubuhay ba daw kami sa kadiliman o naghahapunan na ng alas singko  ng hapon? Aba! Up-to-date kaya kami sa kung anong mayroon sa syudad at sa bagong teknolohiya. Mayroon kaming sariling istasyon ng radyo, 'yun nga lang madalas inaagaw ng mga istasyong Instik ang DZMM at DZRH dahil mas malapit na kami sa Formosa (Taiwan) kaysa sa Maynila. Kaya hindi lamang Ybanag o Ilokano ang kaya naming salita, marunong din kami ng Tagalog at Ingles (hindi salitang intsik). Mayroon kaming internet connections at linya ng telepono. Marunong kaming gumamit ng ATM. At higit sa lahat, mayroon kaming Jollibee. (Nakakatawa man ito sa iba ngunit ito ay mga ebidensiya na umuunlad ang aming bayan at ang mga tao.)

China Sea
Aparri Pier



Gakka
Maraming orihinal sa aming bayan. Sa bansag palang dito na "Aparri -
where the river meets the sea", sa Aparri mo lang makikita ang pagtatagpo ng higanteng China Sea at pinakamahabang ilog sa buong bansa na Cagayan River. Makikita din sa amin ang pinakamahal at pinakamasarap na isda na kung tawagin ay ludung sa halagang PHP3500/kilo. Sagana din sa amin ang pinsan sa laki ng Pandaca Pygmea na tinatawag naming Ipun(Ilokano), Ifun(Ybanag) o Dulong sa Tagalog. Ipinagmamalaki din namin ang alamang (aramang" sa aming dyalekto) dahil sa kulay dalandan nitong akin, at nagniningning kapag nasisinagan ng araw.
Aramang
Sa Aparri din maaaring matikman ang isang uri sa molusko tinatawag na gakka. Dapat din matikman sa amin ang sarilin naming bersyon ng sopas na tinatwag na miki,  at ang kakaibang timpla namin ng longganisa na hahanap hanapin ng panlasang Pinoy. Ginaganap din sa amin ang "fluvial parade" sa Cagayan River tuwing kapistahan ng aming bayan sa pagpapasalamat sa aming patron na si St. Peter Thelmo. Higit sa lahat, maipagmamalaki dito ang mga lokal dahil sa pagiging sadyang matulungin, magalang at matapat.


Makatungtong ka lang sa Aparri, isa na itong bragging right para sayo!

 

DISCLAIMER: Salamat kay Onats Cinco, JP Balisi at Igor Tesoro sa ilan sa mga letratong ginamit.
Nakasentro ang artikulong ito sa Aparri East kung saan ako lumaki.


7 comments:

  1. To attract tourist, Aparri must re-invent itself. The public park is an example. it needed more...

    ReplyDelete
  2. good job... proud to be aparriano... sa sumulat, galing mo!

    ReplyDelete
  3. Maraming salamat sa positibong feedback!

    ReplyDelete
  4. maipagmamalaki nga ang aparri!

    napakasimple ng pamumuhay at nakaka-relax ang paligid...

    ReplyDelete
  5. ...maliban lang kay erick pulido ng centro 10. panira yon!

    ReplyDelete
  6. TRUE,,,proud to be APARRIANO...At salamat sa nakalakhan kong MAYOR TUMARU LATTA nga kunada iti ilocano...at salamat sa sumulat nito very interesting kabayan...

    ReplyDelete
  7. salamat sa pagbasa ng artikulo ko :)
    sana nga ay manatiling maganda ang Aparri at 'wag sirain ng mga makapanyarihan.

    ReplyDelete