Tuesday, 12 July 2011
Tagong Paraiso
Malugubat, Sta Ana, Cagayan Valley
Sino ang nakarinig o nakarating na dito? Marahil ay kakaunti pa lamang ang nakakaalam sa liblib na lugar na ito. Ako man na nakatira malapit sa bayang ito ay walang alam tungkol dito.
Napuntahan ko ito dahil sa naligaw kami. Buti na lamang at nangyari ito. Siguro nga ay nais talagang ipakita sa amin ang napakagandang paraisong ito. Nakapunta na ako sa Boracay, Camiguin at Panglao Beach na ilan sa mga kahanga hangang beach sa bansa. Ngunit, parang kinabog silang lahat ng beach na ito.
Serene, walang alon, peaceful, picture-perfect!
Napag isip-isip ko tuloy ang Boracay. Marahil dati ay ganito din siya ngunit ito ay nadiskobre. Nakakaawa ito sa dami ng mga gusaling nakatayo dito at gamit na gamit sa komersyalismo. Hindi kaya siya nabibigatan sa lahat ng mga nakapatong sa kanya?
At ang Malugubat beach, manatili kaya siyang nakatago o hindi din ito palalampasin ng mga kapitalista at komersiyalista? Kung ganun pa man, sana ay panatilihin ang kagandahan nito at irespeto ang kultura nito.
Ito ang isa sa mga lugar na nakaramdam ako ng muling paghanga sa mga katangi-tanging lugar natin sa Pilipinas na regalong bigay sa atin ng May-gawa.
Malugubat, Sta Ana, Cagayan, Oct 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Wow! Napakarami pa din talagang lugar sa Pinas ang nananatiling untouched and unspoiled like this one. Undoubtedly, the Philippines is a wealth of wonders!
ReplyDeleteThanks for the blogroll link :)
thanks for visiting my blog angel :)
ReplyDeletesana nga lang hindi i spoil ng mga komersyalista ang mga tagong paraiso natin.