Sino pa kayang Pilipino ang hindi pa nakarinig o nakapagbigkas ng mga katagang ito - "OK LANG".
Sa ating kulturang Pinoy, ang "ok lang" ang isa sa pinakasikat at pinakagasgas na linya. Convenient at versatile kasi ito. Palitan mo lang ng mga punctuation marks, dagdagan kaunti ng ilang salita at sabihin sa iba't - ibang tono. AYOS!, Magfifit in na sa kung anong sitwasyon ka man naroon.
Masaya - OK na OK pare!
(masiglang bigkas)
Galit - Ok ka lang?!
(mabilisang bigkas na may bigat)
Tamad - Ok lang..
(mabagal na bigkas)
Concerned citizen - Ok ka lang ba pare?
(patanong na bigkas na waring nang uusyoso)
...at madami pang iba.
Bakit nga ba nahiligan nating sabihin ito? Ito kasi siguro ang pinakamadaling sabihin sa kahit anong sitwasyon at tinatanggap naman ng karamihan. 'Yung tipong tamad ka nang mag-isip ng mas may lalim na tanong o sagot. At kung hindi ka naman interesado sa kausap mo, e bat ka pa nga naman mag iisip, hindi ba?
Ngunit, sa ibang mga pagkakataon naman, paganahin naman natin mga utak natin. Example, namatayan yung taong kausap mo at tatanungin mo ng "ok ka lang ba?" Ano sa tingin mo? Ikaw na nagtatanong, naranasan mo na bang mamatayan o di kaya ay mawalan ng importanteng tao sa buhay? At kung hindi ka pa nakontento, sasabihan mo pa ng "ok lang yan pare". E malamang naman na alam mo na hindi ok 'yun dahil hindi lang yun parang naagawan ka ng candy ng kalaro mo. Isa pa, nakita mo ng iyak ng iyak ang kaibigan mo tapos babanatan mo ng - "Ok ka lang?". Ano ba ate? 'Meron bang taong "ok" na iyak ng iyak?
Bakit nga kaya natanim sa sistema natin ito? Dahil ba "play safe" tayong mga Pinoy? Wala ba tayong paninindigan na lagi nalang "ok lang"? Takot ba tayong pumili ng stand natin sa buhay at kahit sa simpleng bagay na itatanong sayo, kunwari, "Gutom ka ba?", ang isasagot pa din natin ay "ok lang"? Saan ba patungo ang sagot na "ok lang"? Kung ikaw ay pessimist, maiintidihan mong, HINDI pa siya gutom at kung ikaw naman ay optimist, maiisip mong, OO gutom na siya.
Kaya kung may kausap kang ganito ang sagot sayo dahil tinamad na siyang mag-isip, pwes! ikaw naman ang kailangan mag isip ngayon sa kung ano mang ibig niyang sabihin sa mga katagang ito.
Nakipag usap ka pa kasi sa kanya.
Singapore, Sep 2011. Inspired by WOTL of Lourd de Veyra.
Tuesday, 20 September 2011
Wednesday, 14 September 2011
mahabang BYAHE = mahabang SAYA
Long distance drive - El Nido to Puerto Prinsesa. Around 5-6 hours.
Bagot? Masakit sa pwet? Walang magawa?
Pwes! Iba ang kwento namin. Na enjoy namin ang long distance drive from El Nido to Puerto Prinsesa. Sa katanuyan, ayaw pa nga sana naming makarating sa pupuntahan namin. Pinapagrelax namin ang hot na hot naming driver na tumatakbo ng 120km/hr na walang preno sa mga kurbada at lubak. Ngunit salamat sa larong "Pinoy Henyo" (from Eat Bulaga) at pansamantalang nakalimutan ang byahilo, ang takot sa mga kurbada at dinedma ang sakit ng pwet sa pagkakaupo.
Hinati namin ang aming grupo sa dalawa - isang grupo ay tatlo at ang isa naman ay apat. Nagpalitan kami ng mga salita(words) na ipapahula sa isa't-isa. Walang kategorya, sariling gawa. Ang matatalong grupo ang bibili ng pagkain at iinumin namin nung gabing iyon.
Nagsimula na nga - ang tilian, ang tinginan ng magkakagrupo na waring gustong kainin ang taya, ang tinginang kulang nalang ay sabihing ang t*nGA mo!, ang tawanan, ang sakit sa ulo dahil sa matinding tawanan at hindi mamatay matay na tawanan.
Ilan sa mga pinahulaan naming mga salita ay tatto, Las Vegas, gabi(root crop), damo, pako, airport, poste. Ngunit ang hindi ko makakalimutan na salita at moment dito ay ang pagpapahula sa salitang bisikleta.
(Legends: N - Nanghuhula, T - Teammates)
N- Bicycle?
T- OO (sabay tango ang dalawang kasama)
N- Kadena?
(hagalpak sa tawanan ang lahat!)T- Hindi
N- Gulong?, Preno? Upuan?
T I M E I S U P!!!
Pati ang hot na hot naming driver ay hindi napigilang mainis at magcoach sa katabi niyang nanghuhula.
Isa ito sa mga hindi mababayarang kasiyahan namin nung araw na 'yon. Kaya sa mga susunod na mahaba habang byahe, hindi problema yan. Siguraduhin lang na game sa kasiyahan ang mga kasama at walang killjoy at anti-social. Kung hindi, iPAKO na yan sa POSTE!
GOOD TIMES!
El Nido - Puerto Prinsesa Drive, Aug 2011

Team A - PANALO! |
Team A - PANALO! |
Team A - PANALO! |
Team B - hindi PANALO! |
Team B - hindi PANALO! |
Team B - hindi PANALO! |
ang hindi mababayarang saya! |
Isa ito sa mga hindi mababayarang kasiyahan namin nung araw na 'yon. Kaya sa mga susunod na mahaba habang byahe, hindi problema yan. Siguraduhin lang na game sa kasiyahan ang mga kasama at walang killjoy at anti-social. Kung hindi, iPAKO na yan sa POSTE!
GOOD TIMES!
El Nido - Puerto Prinsesa Drive, Aug 2011
Tuesday, 13 September 2011
Napasaya mo ako, Pico de Loro (2 of 2)
Pagkatapos ng ulan, kidlat at kulog, isang maaliwalas na umaga ang tumambad sa amin. Salamat sa magandang panahon nung araw na 'yon. Naglakad lakad sa paligid at nag site ng own location for morning rituals. Sssh ssh lang naman.
Ang kahapong madulas na trails at madilim na paligid ay napalitan ng kaaya-ayang tanawin, clear sky at may bonus na morning breeze pa.
morning breeze |
ayun oh! maya maya lang, andyan nako! |
Sunday, 4 September 2011
Napasaya mo ako, Pico De Loro (1 of 2)
At heto nanaman po ako, aakyat nanaman ng bundok ng wala man lang BMC(Basic Mountaineering Course) at higit sa lahat, wala nanamang cardio exercises. Hay! Isususgal ko nanaman ba ang aking katawan?
Wala naman talaga sa plano ko ang sumama sa boyfriend kong umakyat ng Pico De Loro ngunit dahil sa mga circumstances ay napasama na din ako. Ito ay ang unang akyat ng mga aplikante ng SBMS S.Y. 2011-2012 (San Beda Mountaineering Society) na kung saan ay myembro si boyfriend at alumni na. At dahil d'yan ay maari silang magsama ng guest at ako nga iyon kasama ang kaibigan kong si Che.
Umalis kami ng Manila ng mga 8am patungong Ternate Cavite, nag stop over sa Maragundon para bumili ng pananghalian at nagtungo na sa DENR office upang magregister at magbayad ng PHP 20 per head. Take note, register lang ito at wala kung ano mang briefing galing sa mga taga DENR.
Pagkatapos ng pagdadasal as a group at konting warm-up exercises, sinumulan na namin magtrek ng 1030am. Nakarating kami sa 1st base camp after 30minutes. Dito na kami naglunch. maganda sa 1st base camp, malinis, may CR at pwedeng magrefill ng tubig. Kailangan ding magregister dito at magbayad ulit ng PHP 20 per head. Bakit magbabayad? Dahil sa paggamit ng kanilang mga pasilidad. Sabi nga ni ate Yolly (lokal, isa sa mga namamahala), buti pa nga daw sila ay may karapatang maningil ginagawa nila ang kanilang trabaho sa pagbibigay ng ganitong lugar sa mga umaakyat ng Pico, samantalagang ang DENR daw ay tumatanggap lamang daw ng pera. (Tama nga naman) Ayon sa mga taga DENR, sanay naman daw sa masukal ang mga mountaineers kaya hindi na kailangan pang linisin ang trail (Ano sa iyong palagay?)
Nagtuloy tuloy ang aming trekking.
Para sa isang baguhang umaakyat ng bundok na katulad ko, medyo mahirap nga ang trail dito kung ikukumpara sa Mt Pulag at Mt. Pinatubo (opo, dalawang bundok palang naakyat ko), ngunit iba iba talaga ang karakter ng mga bundok. Mahirap nga ang trail dito pero normal lang naman ang breathing dahil hindi masyadong mataas ang elevation, kaya madali na din.
Sa paghahanap sa campsite, naligaw kami at napunta sa ridge.
Isa sa mga peak na nagbibigay ng magandang tanawin. Bago ang paghahanap ng tamang daan, syempre hindi makakalimutan ang photo ops. Pagkatapos ang hinanap ni boyfriend ang trail patungong campsite at naghintay kami sa kung nasaan kami kasama ang mga aplikanteng pagod na pagod na.
Inabot na kami ng ulan saka dumating ang rescue team mula sa aming mga kagrupong nakahanap ng tamang daan. Malakas ang ulan, humahangin, kumukulog, kumikidlat, umaagos ang tubig kasama ng mga putik. Mahirap na nga ang trail, naging madulas pa! Walang kasing saya ito!
Pinatila muna namin ang ulan bago kami nag set up ng mga tents namin at nag ayos ng mga basang gamit. Dumating ang kasama namin (mga alumni) sa grupo ng mga 11pm(afternoon batch). At dahil kaunti palang ang exposure ko sa buhay bundok, natuwa ako sa mga hinanda nilang dinner. Nagluto sila ng sinigang na baboy (may kangkong, labanos at okra), beef lumpiang shanghai at fried chicken (dipped in egg and breadcrumbs). Hindi ko naisip na pwedeng lutuin yun sa bundok ah. Akala ko mga canned goods at pasta lang ang pwedeng ihanda sa bundok. Next time!
Pico de Loro traverse climb, Ternate Cavite - Nasugbu Batangas August 2011
Wala naman talaga sa plano ko ang sumama sa boyfriend kong umakyat ng Pico De Loro ngunit dahil sa mga circumstances ay napasama na din ako. Ito ay ang unang akyat ng mga aplikante ng SBMS S.Y. 2011-2012 (San Beda Mountaineering Society) na kung saan ay myembro si boyfriend at alumni na. At dahil d'yan ay maari silang magsama ng guest at ako nga iyon kasama ang kaibigan kong si Che.
Umalis kami ng Manila ng mga 8am patungong Ternate Cavite, nag stop over sa Maragundon para bumili ng pananghalian at nagtungo na sa DENR office upang magregister at magbayad ng PHP 20 per head. Take note, register lang ito at wala kung ano mang briefing galing sa mga taga DENR.
Tayo na't umpisahan ang trekking |
Pagkatapos ng pagdadasal as a group at konting warm-up exercises, sinumulan na namin magtrek ng 1030am. Nakarating kami sa 1st base camp after 30minutes. Dito na kami naglunch. maganda sa 1st base camp, malinis, may CR at pwedeng magrefill ng tubig. Kailangan ding magregister dito at magbayad ulit ng PHP 20 per head. Bakit magbabayad? Dahil sa paggamit ng kanilang mga pasilidad. Sabi nga ni ate Yolly (lokal, isa sa mga namamahala), buti pa nga daw sila ay may karapatang maningil ginagawa nila ang kanilang trabaho sa pagbibigay ng ganitong lugar sa mga umaakyat ng Pico, samantalagang ang DENR daw ay tumatanggap lamang daw ng pera. (Tama nga naman) Ayon sa mga taga DENR, sanay naman daw sa masukal ang mga mountaineers kaya hindi na kailangan pang linisin ang trail (Ano sa iyong palagay?)
Mabatong daanan patungong Pico de Loro |
Nagtuloy tuloy ang aming trekking.
Pahinga muna mga bata (mga aplikante ng SBMS, 16-17yrs old) |
The view from the Ridge |
Masukal na daan patungong Ridge |
ang nagsilbi naming silungan ng gabing 'yun |
Pinatila muna namin ang ulan bago kami nag set up ng mga tents namin at nag ayos ng mga basang gamit. Dumating ang kasama namin (mga alumni) sa grupo ng mga 11pm(afternoon batch). At dahil kaunti palang ang exposure ko sa buhay bundok, natuwa ako sa mga hinanda nilang dinner. Nagluto sila ng sinigang na baboy (may kangkong, labanos at okra), beef lumpiang shanghai at fried chicken (dipped in egg and breadcrumbs). Hindi ko naisip na pwedeng lutuin yun sa bundok ah. Akala ko mga canned goods at pasta lang ang pwedeng ihanda sa bundok. Next time!
Pico de Loro traverse climb, Ternate Cavite - Nasugbu Batangas August 2011
Monday, 15 August 2011
White Lady
May nakita akong White Lady sa Auckland!
Meron talaga! Hindi ako nagsisinungaling. Ito siya oh...
Meron talaga! Hindi ako nagsisinungaling. Ito siya oh...
White Lady fast food burger |
Ang White Lady ay isang fast food burger bus on wheels. Nagsimulang mambusog ang white lady na ito nung 1940 sa mga kabataang galing sa pubs o bars, inshort, mga lasing. Ito ay matatagpuan sa Commerce Street malapit sa Queen Street. Huwag niyo ng balaking puntahan siya sa umaga dahil katulad din ng white lady natin sa Pinas, gabi lang siya nagpapakita.
Lagi ko itong nadadaanan pauwi kapag galing ako sa Queen Street. Nacurious ako dito at bago pa mahuli ang lahat, tinikman ko ang isa sa kiwi-style burgers nila.
Hawaiian Burger for NZ$ 8.50 x 35=PHP 297.50 |
Sa totoo lang, wala namang masyadong extra ordinary sa burger nila. No much difference than a Mc Donald's burger or any other fast food chain 'yun nga lang, hindi ito nakakasuya. I think it's really just the feel of it - ang umorder sa isang mobile burger chain na kasabay ang mga kabataang Kiwing party animals. Nevertheless, I enjoyed the experience. :)
Auckland, July 2011
Thursday, 4 August 2011
Mummy and baby friendly mall
Habang naglilibot sa Sylvia Park Mall, napansin ko na ang madaming shops dito para sa mga babies. Parang ito ang haven ng mga nanay sa pamimili ng mga gamit ng mga tsikiting. Wide variety of prams, damit at kung ano anong aksesorya ni baby. Ngunit hinid ko ito pinagtuunan ng pansin hanggang sa magpunta kami sa toilet para sa aking pamangking si Eric. Katulad ng ibang mall, mayroong pintuan para sa women, men at parents. Sumama ako sa ate at pamangkin ko pagpasok sa toilet at hindi sa pagmamalabis pero namangha ako sa toilet. Nakakatawa man ako pero kahangahanga naman talaga. (1st time ko kasi makakita ng ganitong toilet)
Hayaan niyo akong ipakita sa inyo ang aking mga nakita.
Hindi nga ba nakakatuwa ang toilet na ito? Personally, ako ay napahanga at natuwa sa toilet na ito dahil sa dami ng malls na aking napuntahan, ngayon lang ako nakakita ng ganitong uri ng toilet.
Sylvia Park Mall, Auckland, July 2011
Hayaan niyo akong ipakita sa inyo ang aking mga nakita.
ang aming pass para makapasok sa parents toilet |
playpen ba ito? o pwedeng pram parking |
very cozy changing table for baby ang mummy |
kita mo nga naman yan. may microwave pa para pwedeng initin ang pagkain ni baby |
para initin ang bottled formula milk ni baby |
locking and unlocking the door (looks techie to me) |
(paumanhin sa mga sensitibo) one for mummy and one for the little rascal |
Ito ang humuli ng pansin ko. Ano ito sa iyong palagay? Ito ang upuan ni mummy kung siya ay nagbrebreastfeed. |
Hindi nga ba nakakatuwa ang toilet na ito? Personally, ako ay napahanga at natuwa sa toilet na ito dahil sa dami ng malls na aking napuntahan, ngayon lang ako nakakita ng ganitong uri ng toilet.
Sylvia Park Mall, Auckland, July 2011
Tuesday, 2 August 2011
Sumagi sa isip ko ang Sumaguing Cave
Spelunking at Sumaguing Cave is one of the must dos in Sagada. Thinking it would be chicken feet for first timers? Ahm, think again or better yet, test your capacity.
Simulan na natin ang tatlong oras ng saya !
Trese kami sa grupo ng gawin namin ito. Lahat ay excited makapasok sa kweba ngunit bago ang lahat, "safety first" rule. We were briefed by our tourguides on the stages of the journey. May stage 1 - madali, stage 2 - mahirap at stage 3 - mas mahirap. Sabi ng mga tourguides namin, may mga turista daw na nagbaback out pagkalampas sa stage 1.
Para sa mga maarte at ayaw madumihan kong mga kaibigan na nais pasukin ang kwebang ito, pag-isipan niyo ng mabuti kung kaya ninyong tumapak sa mga pupu ng mga katropa ni Batman na nakayapak. Tama, nakayapak kami dahil maaring madulas kapag nag iinarte at nakatsinelas. Get yourself ready for an adventure you'll never forget!
Madaming maaring makitang rock formations sa loob ng kweba. May pigpen, ulo ng pawikan, kurtina,at sina King at Queen (ano ito? it's for you to see). Mamamangha ka din sa galing ng May Gawa at sa nature kung pano ito nagawa. Madadaanan din ang mga kumukutikutitap na mga limestone. Pwede ding magswin sa libreng swimming pool kung kakayanin mo ang lamig.
Mararanasan din dito dumaan sa tinatawag nilang "expandable hole". Sabi ng aming tourguide, kahit daw gaano kalaki o kaliit ang mga turista, makakadaan dito. "Wag ka lang sigurong maging pasaway at baka matrap ka.
Spelunking adventure would not be complete if it doesn't include passing through a horizontal at vertical slippery stones using rope. Tama ulit ang nabasa mo. Gagamit ng lubid sa paglalakad sa makitid na daanan at pag-akyat para makalabas sa kweba.
Sounds fun? It is indeed! Big time fun.
It is always better to try something new and become daring.
Sagada, April 2010
Simulan na natin ang tatlong oras ng saya !
Welcome! |
Ang nagsilbi naming ilaw |
Mga guides kasama si chito(nakahawak ng ilaw) |
Para sa mga maarte at ayaw madumihan kong mga kaibigan na nais pasukin ang kwebang ito, pag-isipan niyo ng mabuti kung kaya ninyong tumapak sa mga pupu ng mga katropa ni Batman na nakayapak. Tama, nakayapak kami dahil maaring madulas kapag nag iinarte at nakatsinelas. Get yourself ready for an adventure you'll never forget!
Photo ops |
Madaming maaring makitang rock formations sa loob ng kweba. May pigpen, ulo ng pawikan, kurtina,at sina King at Queen (ano ito? it's for you to see). Mamamangha ka din sa galing ng May Gawa at sa nature kung pano ito nagawa. Madadaanan din ang mga kumukutikutitap na mga limestone. Pwede ding magswin sa libreng swimming pool kung kakayanin mo ang lamig.
Mararanasan din dito dumaan sa tinatawag nilang "expandable hole". Sabi ng aming tourguide, kahit daw gaano kalaki o kaliit ang mga turista, makakadaan dito. "Wag ka lang sigurong maging pasaway at baka matrap ka.
The expandable hole |
Sounds fun? It is indeed! Big time fun.
Trese kaming nagsimula. Mabuti naman at trese din kaming natapos |
Sagada, April 2010
Tuesday, 26 July 2011
My not-so-ordinary pair of shoes
This is "my not-so-ordinary shoes". It can't be seen in any store or bought in SM.
Hand-painted specially for me, a fruit of love, passion and commitment.
I have received this lovely gift March of last year and was surprised to see this work of art because I myself can't even draw a perfect circle. Honestly, it's just way beyond my expectations. I actually know that I will be recieving a special crafted shoes from him but not this perfect. It was just superb! Seeing my name printed on the shoes was one thing more to be proud of. Bragging right ba!
Anyway, if you want to know more about the product and the one who made it (Spurkplogs), you could go to their fan page - http://www.facebook.com/spurkplogs or email them at plogsshoes@yahoo.com.
You could tell them what designs or concepts you like to reflect on your shoes.
They are great, talented, PINOY artists!
Customized shoes that suits person's individuality and personality. - Chito (Spurkplogs member)
A not so ordinary shoes from a friend then and my love now, March 2010
Hand-painted specially for me, a fruit of love, passion and commitment.
It's with me for more than a year now but the designs and colors are still fine :) |
Maewander's shoes |
It was originally a white advan shoe |
Anyway, if you want to know more about the product and the one who made it (Spurkplogs), you could go to their fan page - http://www.facebook.com/spurkplogs or email them at plogsshoes@yahoo.com.
You could tell them what designs or concepts you like to reflect on your shoes.
They are great, talented, PINOY artists!
Customized shoes that suits person's individuality and personality. - Chito (Spurkplogs member)
A not so ordinary shoes from a friend then and my love now, March 2010
Friday, 22 July 2011
FlyFish in Boracay!
Bakit ka pupunta sa Boracay?
- Para mag swim?
- May problema ka bang gustong kalimutan?
- Gusto mo bang lumipad?
- Gusto mo bang sumigaw?
- Gusto mo bang mag enjoy?
Pwes! Isang sakay lang yan sa flyfish at siguradong tanggal ang memory card ng utak mo.
I was excited but having second thoughts as well when my group decided to try the flyfish. But, I love adventures so i said YES!
This is it pansit! We were five in a group and manong bangkero strategically arranged us on the inflatable raft. If you want to spice up this adventure, position yourself not on the middle part of the raft. Hatak hatak na kmi ng motorboat papunta sa masmalalim na parte ng dagat.
It's just really like a banana boat until...
zoom! The motorboat increased the speed that made the raft literally lift up 45degrees from the surface and there's more, the raft turned side ways. And the results?
We were thrown out into the waters.
Flyfish is a must in Bocaray. It cost 550-650php per person but it's worth it!
I am back in Boracay, May 2010

Evidence #1 - Ate gi going back to raft
|
Evidence #4 - My turn to go back to my position |
Evidence #5 - Bakit tatlo nalng sila? |
Evidence #6 - Bakit nawala yung dalawa? |
We were so much satisfied and overjoyed! |
Flyfish is a must in Bocaray. It cost 550-650php per person but it's worth it!
I am back in Boracay, May 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)