Sunday, 4 September 2011

Napasaya mo ako, Pico De Loro (1 of 2)

At heto nanaman po ako, aakyat nanaman ng bundok ng wala man lang BMC(Basic Mountaineering Course) at higit sa lahat, wala nanamang cardio exercises. Hay! Isususgal ko nanaman ba ang aking katawan?

Wala naman talaga sa plano ko ang sumama sa boyfriend kong umakyat ng Pico De Loro ngunit dahil sa mga circumstances ay napasama na din ako. Ito ay ang unang akyat ng mga aplikante ng SBMS S.Y. 2011-2012 (San Beda Mountaineering Society) na kung saan ay myembro si boyfriend at alumni na. At dahil d'yan ay maari silang magsama ng guest at ako nga iyon kasama ang kaibigan kong si Che.

Umalis kami ng Manila ng mga 8am patungong Ternate Cavite, nag stop over sa Maragundon para bumili ng pananghalian at nagtungo na sa DENR office upang magregister at magbayad ng PHP 20 per head. Take note, register lang ito at wala kung ano mang briefing galing sa mga taga DENR.

 
Tayo na't umpisahan ang trekking

Pagkatapos ng pagdadasal as a group at konting warm-up exercises, sinumulan na namin magtrek ng 1030am. Nakarating kami sa 1st base camp after 30minutes. Dito na kami naglunch. maganda sa 1st base camp, malinis, may CR at pwedeng magrefill ng tubig. Kailangan ding magregister dito at magbayad ulit ng PHP 20 per head. Bakit magbabayad? Dahil sa paggamit ng kanilang mga pasilidad. Sabi nga ni ate Yolly (lokal, isa sa mga namamahala), buti pa nga daw sila ay may karapatang maningil ginagawa nila ang kanilang trabaho sa pagbibigay ng ganitong lugar sa mga umaakyat ng Pico, samantalagang ang DENR daw ay tumatanggap lamang daw ng pera. (Tama nga naman) Ayon sa mga taga DENR, sanay naman daw sa masukal ang mga mountaineers kaya hindi na kailangan pang linisin ang trail (Ano sa iyong palagay?)

 
Mabatong daanan patungong Pico de Loro

Nagtuloy tuloy ang aming trekking. 
Pahinga muna mga bata (mga aplikante ng SBMS, 16-17yrs old)
Para sa isang baguhang umaakyat ng bundok na katulad ko, medyo mahirap nga ang trail dito kung ikukumpara sa Mt Pulag at Mt. Pinatubo (opo, dalawang bundok palang naakyat ko), ngunit iba iba talaga ang karakter ng mga bundok.  Mahirap nga ang trail dito pero normal lang naman ang breathing dahil hindi masyadong mataas ang elevation, kaya madali na din.



The view from the Ridge
Sa paghahanap sa campsite, naligaw kami at napunta sa ridge.  
Masukal na daan patungong Ridge
Isa sa mga peak na nagbibigay ng magandang tanawin. Bago ang paghahanap ng tamang daan, syempre hindi makakalimutan ang photo ops. Pagkatapos ang hinanap ni boyfriend ang trail patungong campsite at naghintay kami sa kung nasaan kami kasama ang mga aplikanteng pagod na pagod na.
ang nagsilbi naming silungan ng gabing 'yun
 Inabot na kami ng ulan saka dumating ang rescue team mula sa aming mga kagrupong nakahanap ng tamang daan.   Malakas ang ulan, humahangin, kumukulog, kumikidlat, umaagos ang tubig kasama ng mga putik. Mahirap na nga ang trail, naging madulas pa! Walang kasing saya ito!

Pinatila muna namin ang ulan bago kami nag set up ng mga tents namin at nag ayos ng mga basang gamit.   Dumating ang kasama namin (mga alumni) sa grupo ng mga 11pm(afternoon batch). At dahil kaunti palang ang exposure ko sa buhay bundok, natuwa ako sa mga hinanda nilang dinner. Nagluto sila ng sinigang na baboy (may kangkong, labanos at okra), beef lumpiang shanghai at fried chicken (dipped in egg and breadcrumbs). Hindi ko naisip na pwedeng lutuin yun sa bundok ah. Akala ko mga canned goods at pasta lang ang pwedeng ihanda sa bundok. Next time!



Pico de Loro traverse climb, Ternate Cavite - Nasugbu Batangas August 2011

No comments:

Post a Comment