Thursday, 16 June 2011

Pareho ba ang Chips at Fries?

Nasa Sydney Airport ako noon, mag isa at walang kausap. Naglakad lakad at napunta sa lugar ng mga gutom. Tamang tama, namimiss ko na ang Jollibee fried chicken. Nilibot ko ang lahat ng mga kainan ngunit wala akong makitang letrato ng manok na may buto. Puro chicken fillet. Wala akong choice kaya sige, mamimili nalng ako kung saan ako bibili. Nakakita ako ng Mc Donalds pero hindi ko ito pinatulan. Sabi ko para maiba naman, subukan ko nga itong Oporto.

Umorder ako nung meal na may manok, fries(dahil wala silang kanin) at coke.
Lakbay Diwa:      Can i have one order of number 1 (hindi ko na matandaan yung number).
From Oporto:     Would you like some chips?
Lakbay Diwa:     Sure
(Sabi ko sa isip ko, ayoko sana ng chips. Fries sana gusto ko pero para maiba, sige, pumyag na ako)

Pagkabigay ng order ko, tatlong sunog na chicken fillet, fries at softdrink.

Only  to find out later on na ang chips at fries pala ay iisa. Dahil ang Australia ay napasailalim ng Britanya, British terms ang ginagamit. Sa atin naman ay American terms naman dahil sa American colonization. Ang potato chips kagaya ng Piatos at Vcut sa Pinas ay CRISPS ang tawag nila dito. Isa pang pagkakaiba ay ang ketchup sa atin ay tinatawag na tomato sauce sa kanila.

Buti nlang at hindi ako nagpadalos dalos sa pagsabi  ng "I don't want fries, I want chips".

Sydney International Airport, May 2011

Wednesday, 15 June 2011

Mabuhay ka, Mabuhay Class!

Mabuhay class ang tawag sa "business class" ng Philippine Airlines. Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi ko na mabilang kung makailang ulit na akong nakasakay sa eroplano, (Philippine Airlines flights) daahil ito ay libre sa aming pamilya. Kung bakit? Sikretong malupit! Ngunit nagbabadya ng matapos ang maliligayang araw ko dahil paubos na din ang aking alokasyon. Wala na. pero mabuti nalang, bago matapos ang lahat naransan ko na ang makasakay sa sinasabing "business class".

Enero ng taong ito, umuwi kami ng Pilipinas ng Mama ko galing Singapore kung saan namin ipinagdiwang ang Pasko at Bagong Taon. Pagdating sa airport, alam kong sobra ang bitbit naming bagahe sa kung ilan dapat ang nararapat para sa baggage allocation  ng economy class. Naisip kong ako nnalang ang gagawa ng check in procedures para hindi nila mahalata na sobra kami ng isa pang handcarry luggage. At ito nga ang ginawa ko. Medyo natagalan ang pagchecheck in  nung staff at hindi ko alam kung bakit. Narinig kong tinawag pa niya ang bisor at may tinanong. Hindi ko naman ito pinansin. Pagkaabot ng boarding pass, napansin kong kulay asul ito (orange for economy class). Sabi ko sa isip ko, "aba, parang gumanda ata boarding pass nila, nag iba ng kulay." Napansin ko ang seat number namin, 3A at 3C, sinabi ko sa Mama ko na hindi kami magkatabi. Nakita ko din ang nakasulat na "Mabuhay class" ngunit sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko ito pinansin.

Oras na para magboard ng eroplano. Tinawag ang mga nakasay sa business class, hindi kami tumayo. At naghintay kami ng tawag para sa mga nakasakay sa front portion ng eroplano. Diretso agad ako sa economy class ngunit nag uumpisa sa #4 ang seat number ng economy class. Nagtanong na ako sa istuwardes at tinuro niya sa akin ang upuan namin sa "Mabuhay Class". Aba, e nananaginip ba ako? Napangiti ako abot sa buntot ng eroplano. Hindi na ako nagtanong dahil malinaw naman ang seat numbers namin. Ito ay nabibilang sa Business Class. 

Unang Pampagana
Adobong Manok
Pangalawang Pampagana
Pagkaupo namin, mayroon ng agad kumot at unan hindi kagaya sa Fiesta class(economy class) na kailangan mong humingi kaagad ng kumot dahil ito'y limitado lamang. At magkatabi din pala kami ng Mama ko. sadyang may bakanteng letra pala sa Mabuhay class, dahil siguro mas malalaki ang upuan dito. Tinanong kami agad ng istuwardes kung anong gusto naming inumin. Totyal! Hindi ko na kailangang matakam sa aroma ng kape na binibigay lang kaagad sa mga pasero ng business class. Binigyan kami ng juice at pampagana at take note, hindi ito Happy Peanut na kadalasang binibgay sa Fiesta Class. Binigyan din kami ng menu para sa aming hapunan. Totyal talaga! Parang fine dining. Mayroong tatlong uri ng ulam, isda, baka at manok. Pinili ko ang baka ngunit sinabi sa aking ubos na kaya adobong manok nalang. Ilang minuto ang nagdaan, ayan na. Binigyan kami ng isang tray ng pagkain. Happy Fiesta! Ano ito? Hindi ko kilala itong mga hinandang pagkain. Tanging yung mga prutas lang ang nakilala ko. Tawa na ako ng tawa sa Mama ko. Sabi ko, "ganito ba ang adobo ng mga sosyalista? Bakit kulay puti?"At ano itong kulay berde na may itlog? Sabi ko, ito siguro ang kanin. Wala nang masyadong dakdak, lantakan na yan. Kinain ko lahat pati ang isang pandesal na ihinabol nilang iserb. Solb! Nakakabusog! Ngunit napansin ko ang istuwardes, paulit ulit akong binabalikan at tiningnan. Nung nakatiming na siya, bigla niya akong tinanong "Maam, are you ready to have your main course?" Sabi ko sa sarili ko, Oh My Gulay!?! Hindi pa apala iyon ang main course? Appetizer number 2 pala iyon.  hahahaha Pagkabigay ng main course ko, ito na talaga ang adobo. Kakulay din pala ng niluluto kong adobo. masmasarap pa luto ko. At dahil nauna na akong nabusog sa appetizer number 2 ko, hindi ko na nakain lahat ang main course. Nagkape na lang ako.

Naging maiksi para sa akin ang dating napakahabang tatlong oras na byahe.  First time ko na hindi matulog sa byahe at manood lang ng mga pelikula. Naabutan ko ang dapit hapon na napakaganda pagmasdan.

Isa ito sa mga masasayang bahagi ng aking paglalakbay.

Philippine Airlines flight PR504/ Jan 2011

Monday, 13 June 2011

Ping Pong Show

Ping Pong Show! - Ano ang una mong naisip pagkabasa nito? 

Kung ikaw ay below 18years old, mukang mas magandang basahin ang iba kong entries. - The End na to.

Sa 18years old and above, ituloy natin ito. Ano nga ba ang una mong naisip tungkol sa "ping pong show"? Marahil naisip mong ito ay table tennis? Pwede. Doon nga kinuha sa palagay ko ang tawag dito dahil gumagamit sila ng bola ng ping pong sa show na ito.




When my friends (itago natin sa ngalang Kaka at Dibdib"pronounced as daybdayb") and I went to Thailand, we did not avail of the package tour. Backpacker's style ito! Kumuha kami ng hotel sa Khaosan Road para feel na feel ang pagiging backpackers. Nag isip kami paano namin idedesign ang itinerary and what would complete our Thailand experience.



At nauna na nga ako mag suggest. Sabi ko - Ping Pong Show sa Patpong! Una kong narinig ito sa mga kapatid ko na nakapunta na dito. Ano nga ba ito? Ayon sa pagkakakwento nila, ito ay isang show ng mga babaeng may katangi tanging talento. Kung ano ito, tayo ngang alamin.

Dumating na nga ang pinakhihintay kong gabi. At dahil may kinontrata na kaming tuktuk (Thailand's version of tricycle/jeep), nagpahatid na kami sa Patpong district. Ayaw panoorin ni Dibdib ito sa personal niyang rason. Ngunit wala siyang kasama sa hotel kaya nagpasya na din siyang sumama samin at dahil ito naman ay kilalang red light district, marahil ay madaming ibang kainan o inuman dito. 

Pagdating dito, mukang walang ilaw na kumukutikutitap. Hindi itong parang Timog area o Malate area na iniisp namin. Binaba na nga kami ng aming driver na tawagin nating Tanuan(totoo niyang pangalan). May lumapit na babae at bigas ng "Ping Pong Show for THB 1000 per person". Aba, medyo may kamahalan ang isang oras na panonood ah. Pero dahil ito ng makakapagkumpleto ng aking Thailand experience, shoot na 'to! Pumayag na din palang manood si Dibdib kasi wala siyang ibang mapupuntahan. 



Nagbayad kami ng THB1000 per person kay ate, walang resibong kapalit kundi isang boteng tubig o beer at pinaalalang "NO CAMERA ALLOWED". Nang pumasok kami sa pintuan, lahat kami ay tahimik. Sabi ko sa isip ko, nasaan ang palabas? Bakit puro upuan at mesang walang tao to? 'Yun pala, kami ay papanhik pa sa 2nd floor. At, eto na nga! Presenting the Ping Pong Show!


Hindi namin nasimulan ang palabas ngunit para itong SM Cinema. Pwede mong panoorin paulit ulit. Isang malaking kwarto na nakadim light ito na may malaking stage, siguro 3/4 ng kwarto occupies the stage at may mga upuan at coach.   Walang seat reservations. Mamili ka kung san mo gusto. Pwede ka malapit sa stage o medyo lumayo kaunti. Madaming nanonood pero hindi crowded. Halo halong lahi, mayroong puti, Indians, Chinese, Japanese at Koreans. May mag asawa o magkasing irog at magbabarkada. Pinili naming tumabi sa mga Asiano para maging at home kami.

Tayo nang umupo mga kaibigan at alamin nga natin kung ano itong sinasabing Ping Pong Show! 


OMG! Shocks! Tyet! Pano niya ginawa yun! Ang galing! Paksyet! Pano kaya sila nagpractice? Totoo ba ito? Baka may magic. Malakas na tawanan. Mangha! Tulala! Hindi nakikipag usap sa katabi. Nanginginig sa hindi malaman ang dahilan.  

Ano itong napapanood ko? Isang babaeng shinoshoot ang pingpong ball sa baso gamit ang maselang bahagi ng kanyang katawan at itago natin sa tawag na "happy". At ano ulit ito? Nagbubukas ng coke bottle gamit si happy at tumalsik sa audience ang tansan. Mahusay! Ni ngipin ko nga hindi ko kayang gamitin sa pagbubukas ng bote, yun pa kaya! Isang malaking bagsak! clap! Sumunod, nagtanong ng pangalan ang babae sa audience at nagsimulang magsulat gamit si happy - "Welcome to Thailand Mark!" Hindi ba't nakakamangha? Hindi pa tapos yan. Kaya din niyang magcandle blow making, maglabas ng sandamakmak na blade sa lob nito, hatiin sa bite sizes ang banana at eto pa, iconvert ang sterling white water into a colored liquid. Kung paano nila ginagawa ito? Hindi na natin malalaman pa. Kung mayroon mang magic tricks ito, palakpalakan natin sila dahil napakalinis ng pagkakagawa.

Ito man ay medyo sensitibong palabas, ito naman ay ligal sa kanilang bansa. Nakakatuwa din ang mga manonood dahil sila ay may sariling disiplina at alam nila kung paano ituring ang ganitong mga bagay. More on amusement ang show na ito at hindi ito bastusan o degrading. Isa itong palabas ng mga babaeng mayroon talagang kakaibang talento. 


Kudos to them! it takes guts to do all of those. 


Travelled with Kaka and Dibdib (Sept, 2008)

Saturday, 11 June 2011

Culture Shock #1 - Kulturang Kiwi

Kiwi - ito ang tawag sa mga tao ng New Zealand. Parang Pinoy para sa mga tiga-Pilipinas. Ngunit maari din itong gamitin para sa kanilang kilalang prutas. Simple lang, lagyan lang ito ng salitang "fruit" sa dulo at iba na ang ibig sabihin. Maari din itong gamitin para sa kanilang ibon, lagyan lang din ito ng salitang "bird", at presto! may ibang ibig sabihin nanaman ito.

Habang andito ako sa New Zealand, masarap makipagwentuhan sa mga kapwa Pinoy tungkol sa kanilang mga karanasan dito. Minsan ay aming napagkwentuhan ang tugkol sa opisina at napunta sa pagsisipilyo ng ngipin (iwanan nalang nating missing link kung paano napunta dito ang usapan).

Ilang beses ba tayo magsipilyo ng ngipin? Minsan, tatlo, minsan lima. Tatlo kung nasa bahay ka lang (umaga-tanghali-gabi). Lima naman kung nasa opisina ka - Una: pag-alis ng bahay, Pangalawa: pagkatapos mag agahan sa opisina, Pangatlo: pagkatapos ng pananghalian, Pang apat: Pag alis sa opisina para fresh breath pag nag abot ng bayad sa jeep at panglima: pagkatapos ng hapunan. Ganyan tayo kalinis, hindi ba? Ngunit ang mga Kiwi (kasama na din siguro ang mga nasanay dito. baka may mga Pilipino na din), hindi pala sila nagsisipilyo sa opisina nila. Kwento ng aking bayaw na isang Ostraliano, nang makakita daw siya ng isang Koreanong nagsisipilyo sa opisina nila, ang naisip daw niya ay baka may problema siya sa ngipin. Sabi din ng ate ko, pinagtitinginan daw sila ng mga puti kapag nagsisipilyo sila pagkatapos mananghalian.

Kita mo nga naman no? Ikaw na nga ang naglinis ng ngipin, ikaw pa ang may problema. Yan ang isang nagpapakulay ng Kultura ng kanya kanyang lahi.

Ngunit kung iisipin mo, bakit nga ba ganoon? Ano ba ang mga maaring dahilan bakit hindi sila nagsisipilyo pagkatapos mananghalian, pero, fresh breath pa din sila? Isang maaring dahilan ay ang kanilang diet. Ano nga ba ang pananghalian ng mga puti? Green salad, rolls, pasta. Walang masyadong sarsa at hindi lumalangoy sa mantika.

Tayo namang mga Noypi? Dahil tayo ay sadyang mapagmahal na lahi, kahit pagkatapos mananghalian ay gusto pa rin natin makakwentuhan (o tawagin natin tsismisan) ang ating mga opismates. At ang pagsisipilyo ay isang napakagandang panahon para gawin ito. Mapunta naman tayo sa mga pagkain natin? Mayroon tayong adobo, binagoongan, paksiw na isda, pinakbet, longganisa na may garlic rice(tirang pang agahan) at kung ano ano pang masasarsa, mamantika ngunit napakasarap na mga pagkain. Isama na natin ang mga kasama nating Asiano lalo na ang mga Koreano. Isipin niyo nalng kung hindi sila nagsipilyo pagkatapos kumain ng Kimchi! O Ano? Kaya niyo?

Nawili ba kayo sa kulturang Kiwi?

(Napagsabihang isulat ito sa Filipino/tagalog)
Auckland, June 2011

All I had was the spirit of ADVENTURE

Para lang siyang walk in the park" - yan ang description ni boyprend, tungkol sa pag akyat ng Mt Pulag. Lagi kong tinatanng sa kanya pero paulit ulit din ang sagot niya. Mayroong consistency. Siguro nga totoo. Kaya nang inaya niya ako para sa pre-valentine date namin, I said Yes!

Here comes the truth.

Masaya ang lahat habang naghihintay ng ibang kasama sa Victory Taft Station. May kasama kaming isang malaking grupo consisting of more or less 15passengers. At may katangi tanging isang babae sa aming grupo na walang kasama. Gusto lang daw niyang mapag isa. Naisip ko, "ok to ah..malakas ang loob"

We left Manila at 11pm at nakarating kami sa Baguio ng 6am. Malamig! Naglabasan na ng mga jacket at bandana. We were given an hour to buy some of our additional BASIC needs like chocolates, water, jelly ace at kung ano pang pampataas ng blood sugar. OO, tama ka ng nabasa. Basic ang mga ito sa pag akyat ng bundok, lalo na kung ito ang pinakamataas na bundok sa Luzon at pumapangatlo sa buong Pilipinas. Pagkatapos ng strawberry taho session at 711 shopping, sumakay na kami sa monster jeep. Bakit Monster and twag sa jeep na ito? Siguro dahil isang halimaw na daan ang kanyang sasagupain kaya kailangan din niyang maging malaki at malakas. Paglabas ng City of pines, kung gusto daw naming madagdagan ang saya, maari kaming mag top load o sumakay sa bubong ng jeep. Sinong may kaya?

Dumaan kami ng Pinkan Jo Eatery for our pack lunch kasi wala ng mabibilhang kainan along the way.
Sino na mag totop load?
Ambuklao Dam
Pagkatapos ay, nagphoto ops kami sa Ambuklao Dam o ang tinatawag na Ambuklao Hyroelectric Plant. It is located in the mountains of Bokod, Benguet and was desiigned to provide energy to the Luzon grid.


Ituloy ang saya! At dahil isa akong mapangahas na bata, sinubukan ko syempre ang mag top load. Mas masaya at mas maganda pala sa taas dahil hindi nararamdaman ang pag gewang gewang ni Monster jeep. Ilang oras ang nakaraan, nakarating na kami sa DENR office kung saan ay kailangan naming magreister at makinig sa orientation/briefing. Kung iniisip mong ito ay nakaantok at isang matanda ang magsasalita, well, partially correct ka. medyo may idad na si maam, pero witty. Isa sa mga natatandaan kong sinabi niya, "Iwasan ma pollute ang Mt. Pulag. Hindi lang sa pagtatapon o pagkakalat ang iwasan kundi ang noise pollution sa gabi. lalo na kung dalawa lang kayo sa tent" (yikee! si maam, me nalalalman pang ganun!) We were also reminded of the "safety first pollicy". Hindi daw pwede ang "KAYA KO TO attitute " dahil fatal ang high altitude sickness at hypothermia. scary db? pero sabi ko nga, dahil ako'y isang mapangahas,pasaway at agresibong bata, hindi ko pinansin ito at inadapt ko pa din ang "Kaya ko To attitude".

Pagkatapos ng ilang oras pa, nakarating na kami sa ranger station which is the jump off point for our trail - Ambangeg Trail which is called the executive trail or the easiest trail as well. We had our lunch here at magtoothbrush na din hanggang asa baba pa ng bundok at hanggang kaya pa ng ngipin mong tiisin ang lamig. From the Ranger Station, we will trek for 4hours (turtle pace o mas nababagay ata ang ant pace) to the Campsite. May mga porters din palang for hire dito. PHP250/way para buhatin ang bag mo para maging madali ang pag ayat mo. Ngunit, ako ay mayabang. "KAYA KO TO attitude" ulit. 

Bago ang lahat, we had our prayer as a group.
At 'wag na nating patagalin, form a single line children at gagawin na natin ang first assault.
Si boyprend, syempre kasama nako, ang naging lider ng grupo. GO! Lakad...lakad..lakad...pagkatapos ang mga trenta minutos. Wait, bakit parang bumibigat na ang dibdib ko..Sige, inom ng tubig..Baka pagod lang...lakad lakad lakad ulit!..sandali lang, rest muna.(nauna na ilang mga kasamahan namin sa paglakad) Sa tingin ko, ok nako.. lakad ulit.. maputik, tuyo, basa, mabato. May pataas, pababa, madulas na dadaanan. At naging totoo nako sa sarili ko, mukhang hindi ko na ata kaya. Pinabuhat ko na ang bag ko kay Chito. Tanging ang aking basic needs nalang ang binuhat ko - ang tubig at plastic ng adrenaline boosters.






"Are we there yet?" ang paulit ulit na tanong ni donkey kay Shrek. At ganun din kami. May mga nadulas na sa amin. Ang mga kaninang magagara na Merrell at North Face shoes ay hindi mo na makikilala sa mga putik na nakakapit.
Makakakpal ang mga moss na nakakapit sa mga puno. Yun pala ang tinatawag na mossy forest, I forgot.  May mga kakakibang halaman na doon ko lang nakita. 
Ako ay naging isang bata ulit na natuwa sa mga malalaking puno, iba't ibang hugis at kulay ng dahon. Words are not enough to describe it. Kakaiba! Ang galing!


Ngunit, di ko pa din nakalimutan ang sabi ni chito sakin na parang walk in the park lang to. Sabi ko sa knaya - "asan ang walk in the park dito?". Mukhang nakalimutan ko ata na iba iba ang perspective ng tao sa isang bagay. Naklimutan kong pang limang akyat na niya ito sa Mt. Pulag at isa siyang mountaineer. Baka ang "park" pala na sinasabi niya ay ang tanawin (which is true! honestly, more than a park), hindi ang trail.  Pero anong gagawin ko? Hindi ako pwedeng magbackout. sayang naman.. Kaya, GO pa din! I asked some of members of the group if they also feel what I feel. At hindi nga ako napahiya. Hindi lang pala ako ang mag isang nakakaramdam nun. Pampdagdag ng lakas ng loob to!. Daanin nalang sa kwentuhan. Nalaman kong nagprepare pala sila dito. Ang iba ay nag cardio for 2 weeks o 1month at may nalaman pa akong isang bwan na inakyat ang 12th floor office nila para dito. E ako naman daw? ah, eh, ih, oh, uh! Kaya pala ako hirap na hirap dahil wala akong preparation. Ni hindi man lang ako nakapag jog, o naglakad ng malayo. tsk tsk tsk Indeed, All I Had was the spirit of ADVENTURE!

Ang leader naging sweeper na ng grupo.

After 4 hours, may nakita na kaming campsite. Sabi ko, sa wakas nakarating din. Pero to my dis appointment, hindi pa pala yun? Sige akyat pa! sa extention campsite pala kami dahil puno na ang ibang campsite. Upon reaching the area, hay! Park nga Ito. Madaming tao na tipong nagpipicnic at may kanya kanyang tent at pagkain.
Kanya kanyang hanap ng anggulo para sa photo ops. Nag makahanap na kami ng lugar namin, umpisahan naman ang pagpapatayo ng matutulugan ngayong gabi. Hindi na namin nagawang makapagpahinga dahil mas mahirap magset up ng tent pag gabi na at wala na ang libreng ilaw. Let's get it on! Hindi pa ala tapos ang lahat.

Now, it's time to rest and wander around. Yun ay kung makakapaglakad ka.  Ayun oh, me sea of clouds.
Para ka ng nakasakay sa eroplano, pero invisible yung eroplano. Hindi lang ang tanawin ang overwhelming kundi pati ang tindi ng lamig. Kumakapit sa buto! Nakatatlong patong na damit na ako pero malamig pa din.

Alas syete na! Tulugan na! OO, Kailangan na nming matulog para hindi maramdaman ang mas tumitinding pagbaba ng temperatura. At dahil magigising kami ng 330am para sa last assault namin sa summit. tik tak tik tak, 10pm - naglalalkbay diwa, naninikip ang dibdib, hindi makahinga..11pm - nagdadasal - 'wag naman Po sana ito ang huling araw ko(totoo 'to! walang halong biro) 1am - im still up..330am - gising na mga kasama! Tayo ay lumusob na! sa summit.. hehehe

Mas maganda ang trail ng papuntang summit dahil grassland to. Para kaming 7dwarfts na early bird sa pagmimina. lahat ay may headlight except ako. Napakaganda. Foggy! walang makita.. Oops, umuulan. Ay hindi pala. Ngunit nababasa ang jacket ko. Naisip ko ganito pala pag asa ulap ka.



Ayan, may naririnig na akong nagsisigawan sa taas ng bundok, pagtingin mo sa langit, nakikita mo ang light ng mga lente nila.Abot kamay mo na ang langit. Ganun kami kataas. 2922meters above the sea level ba naman e. Nang nakarating na kami sa summit, madaming dwarf bamboo. Makikita mo ang paghawi ng hangin sa mga ulap. Madaming tao. Nagkakape, nagkwekwentuhan, nagphohoto ops.

Fulfilling! Masaya! Rewarding!
Ang ganda ng Pilipinas!



Kahit na nahirapan ako sa Mt. Pulag assault, I am still thankful I made it and I was able to be with great people along the way and to see the magnificent work of God.
It is a unique experience once again! The most adventurous thing I ever did!

Mt. Pulag, Benguet (Feb 2011)


http://www.trailadventours.com/dest

Magpapahinga ka na ba? 'Wag Muna

Para sa ate ko, there are four things she has to do before she dies.
1. Plant a tree
2. Write a book
3. Climb a mountain and
4. Procreate

Pero, ngunit at datapwat, parang hindi ko ata kayang gawin ang number 2, iniba ko ang sa akin.
Simple lang! Pupuntahan mo lang, bibisitahin, be one with the nature ika nga ng iba, mabighani, mapaisip at mapatunganga sa kagandahan nito. Para sa akin, ito ay dapat makita ng lahat bago sila madapa at magpahinga.
Ito ang Mt Pinatubo at ang kanyang katangitanging kagandahan.

When i planned this trip, I have no expectations at all. I was just excited of the activities - 4x4 ride, trekking and swimming.

My friends and I left Manila at around 2am off to Pampanga. The tour starts with a 2hour 4x4 ride from the local tourism office to the jump off. Dito na nag umpisa ang adventure. Naka ilang tayo, upo, tayo, upo na kami ngunit di pa din kami nakakakrating. Libreng face powder at pulburon din sa mga di nakapag agahan. Para na rin naming naranasan ang ginawa ni Aga Muhlach sa pelikula niyang Dubai. Mas masahol pa dahil mas matitirik ang inaakyat ng 4x4 ride namin.
When we reached the jump off, nagsimula na kaming magtrek for 45minutes.
at, viola!
isang paraisong maituturing.
Pagkatapos naming takamin ang aming mga sarili sa ganda ng bunganga ng bulkan, bumaba na kami para sumakay ng bangka patungo sa swimming area. Habang kami ay nasa bangka, we were stunned and overwhelmed by its beauty. "May ganito pala sa Pilipinas!" Para bang di mo ma explain ang nararamdaman mo.
Marami na akong nakitang magagandang tanawin, dagat at lugar,  ngunit iba ito!
Nang makarating na kami sa swimming area, sabi nila, ang tubig nito ay puro sulfur, pero, nagtampisaw pa din kami. Para kaming mga bata na naamaze sa ganda ng isang bagong laruan.

Basta, ito ang masasabi ko. Kung ikaw ay isang Pilipinong hindi bilib sa Pilipinas, pumunta ka dito at masasabi mong, "Ang ganda pala ng Pilipinas!"

TRavelled with friends last April 2010


http://www.facebook.com/pages/St-Michael-Explorer-Travel-and-Tours

i dreamt of you

the dream that gave me peace of mind.

sa aking palagay, madalas namang weird ang mga panaginip, at hindi papahuli ang sa akin.

scenario - bitbit ko ang aking pamangking si eric, kasama ko ang aking kapatid na si ate gi at kami ay nautusang palitan ng damit si daddy(who already left us 9 months ago)

pero sabi ko kay ate gi
mae - " 'wag na nating palitan ng damit si dady. baka makasama kay eric."
ate gi - "sige, pabaon nalng natin saknya"


at ng paalis na kami, biglang nagkabuhay si daddy at hinawakan ang kamay ni ate gi, at nagsalita
daddy - "kumusta na si mommy mo? hanggang kelan siya dun? (referring to auckland)"
ate gi - "baka hanggang next year pa daddy"
mae - "kumusta ka na daddy? kumusta doon"

at ako ay excited and at the same time, takot sa maari niyang isagot
daddy - "sobrang lamig doon"

mae - relieved and happy :)

(June 2011)