Mabuhay class ang tawag sa
"business class" ng Philippine Airlines. Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi ko na mabilang kung makailang ulit na akong nakasakay sa eroplano, (Philippine Airlines flights) daahil ito ay libre sa aming pamilya. Kung bakit? Sikretong malupit! Ngunit nagbabadya ng matapos ang maliligayang araw ko dahil paubos na din ang aking alokasyon. Wala na. pero mabuti nalang, bago matapos ang lahat naransan ko na ang makasakay sa sinasabing
"business class".
Enero ng taong ito, umuwi kami ng Pilipinas ng Mama ko galing Singapore kung saan namin ipinagdiwang ang Pasko at Bagong Taon. Pagdating sa airport, alam kong sobra ang bitbit naming bagahe sa kung ilan dapat ang nararapat para sa
baggage allocation ng
economy class. Naisip kong ako nnalang ang gagawa ng
check in procedures para hindi nila mahalata na sobra kami ng isa pang
handcarry luggage. At ito nga ang ginawa ko. Medyo natagalan ang pag
checheck in nung
staff at hindi ko alam kung bakit. Narinig kong tinawag pa niya ang bisor at may tinanong. Hindi ko naman ito pinansin. Pagkaabot ng
boarding pass, napansin kong kulay asul ito
(orange for economy class). Sabi ko sa isip ko, "aba, parang gumanda ata
boarding pass nila, nag iba ng kulay." Napansin ko ang
seat number namin, 3A at 3C, sinabi ko sa Mama ko na hindi kami magkatabi. Nakita ko din ang nakasulat na "Mabuhay class" ngunit sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko ito pinansin.
Oras na para mag
board ng eroplano. Tinawag ang mga nakasay sa
business class, hindi kami tumayo. At naghintay kami ng tawag para sa mga nakasakay sa
front portion ng eroplano. Diretso agad ako sa
economy class ngunit nag uumpisa sa #4 ang seat number ng economy class. Nagtanong na ako sa istuwardes at tinuro niya sa akin ang upuan namin sa "Mabuhay Class". Aba, e nananaginip ba ako? Napangiti ako abot sa buntot ng eroplano. Hindi na ako nagtanong dahil malinaw naman ang
seat numbers namin.
Ito ay nabibilang sa
Business Class.
|
Unang Pampagana |
|
Adobong Manok |
|
Pangalawang Pampagana |
Pagkaupo namin, mayroon ng agad kumot at unan hindi kagaya sa
Fiesta class(economy class) na kailangan mong humingi kaagad ng kumot dahil ito'y limitado lamang. At magkatabi din pala kami ng Mama ko. sadyang may bakanteng letra pala sa Mabuhay class, dahil siguro mas malalaki ang upuan dito. Tinanong kami agad ng istuwardes kung anong gusto naming inumin. Totyal! Hindi ko na kailangang matakam sa aroma ng kape na binibigay lang kaagad sa mga pasero ng business class. Binigyan kami ng juice at pampagana at take note, hindi ito
Happy Peanut na kadalasang binibgay sa Fiesta Class. Binigyan din kami ng menu para sa aming hapunan. Totyal talaga! Parang
fine dining. Mayroong tatlong uri ng ulam, isda, baka at manok. Pinili ko ang baka ngunit sinabi sa aking ubos na kaya adobong manok nalang. Ilang minuto ang nagdaan, ayan na. Binigyan kami ng isang tray ng pagkain. Happy Fiesta! Ano ito? Hindi ko kilala itong mga hinandang pagkain. Tanging yung mga prutas lang ang nakilala ko. Tawa na ako ng tawa sa Mama ko. Sabi ko, "ganito ba ang adobo ng mga sosyalista? Bakit kulay puti?"At ano itong kulay berde na may itlog? Sabi ko, ito siguro ang kanin. Wala nang masyadong dakdak, lantakan na yan. Kinain ko lahat pati ang isang pandesal na ihinabol nilang iserb. Solb! Nakakabusog! Ngunit napansin ko ang istuwardes, paulit ulit akong binabalikan at tiningnan. Nung nakatiming na siya, bigla niya akong tinanong "
Maam, are you ready to have your main course?" Sabi ko sa sarili ko, Oh My Gulay!?! Hindi pa apala iyon ang main course? Appetizer number 2 pala iyon. hahahaha Pagkabigay ng main course ko, ito na talaga ang adobo. Kakulay din pala ng niluluto kong adobo. masmasarap pa luto ko. At dahil nauna na akong nabusog sa appetizer number 2 ko, hindi ko na nakain lahat ang main course. Nagkape na lang ako.
Naging maiksi para sa akin ang dating napakahabang tatlong oras na byahe.
First time ko na hindi matulog sa byahe at manood lang ng mga pelikula. Naabutan ko ang dapit hapon na napakaganda pagmasdan.
Isa ito sa mga masasayang bahagi ng aking paglalakbay.
Philippine Airlines flight PR504/ Jan 2011
ang pagkakaalam ko ay boring sa business class. pero para namang nagenjoy ka. masubukan nga to minsan.. =)
ReplyDeletebakit naman naging boring sa business class? nag enjoy ako dahil 1st time ko ito. lumbas ang pagkajologs ko. heheh
ReplyDeletenaalala ko nung baguhan ako sa trabaho ko. ang daming bago. nanggaling din ako lakbay diwa sa pamilyang hindi naman mayaman. sa una naging ignorante din ako sa mga bagay bagay na ganito subalit ang kapalaran ko ay naiba nang natanggap ako sa isang trabaho na nauugnay sa airlines. dun ako nagkaideya. ang ibig ko lamang iparating dito lakbay diwa ay hindi k nag-iisa at wala tayo dapat ikahiya. ika nga nila "there will always be a first time" pero ito ang masasabi ko na hindi naging boring ang business class or first class..:)
ReplyDeletetama ka liberty. maging totoo lang tayo sa mga sarili natin at sa huli ay masasabi nating may natutunan tayo sa experince nating iyon kahit sa una ay naging ignorante tayo o katawatawa sa iba.
ReplyDeleteat uulitin ko, naging masaya ako sa Mabuhay class". Hinid ko lang alam kung mararanasan ko pa ang "first clas". hehe sana :)