Friday, 1 July 2011

Regalong Pampabata

 Nagring ang telepono. May package daw para sa ate ko. Wala kaming inaasahang magpapadala ng package noon pero bumaba na din ang nanay ko para kunin ito. Pagkakita ko nito, walang nakasulat kung kanino galing. Mayroong sticker lang ng "Reach Me LTD" isang kumpanya na nagbibigay ng mga LIBREng sampol ng mga gamit pambata. Excited akong binuksan ito (kunwari sa akin). At natuwa ako sa mga laman nito. 

ang kahon
 ang mga laman ng kahon

Carnation Evaporated Milk
masarap pang agahan ni baby

Milo, isang kutsara at marmite (ang paboritong palaman sa tinapay ng mga Kiwi)

dalawang nappy(diaper) pants at ointment para sa nappy rash

 mga sabong para sa sensitibong kutis ng bata

mga babasahin para sa ina at isang $450 gift certificate para sa libreng photoshoot ni baby
may ari ng package - isang taong gulang kong pamangkin


Bigla kong naisip ang mahal kong bansa. Magkakaroon kaya tayo ng katulad nito? Hindi lamang kasi ilang sampol ng pagkain o gamit ang binibigay ng gobyerno nila dito sa NZ kundi mayroon ding scheduled na dalaw ang midwives at nurses sa mga ina at mga sanggol upang tingnan ang kanilang kalagayan. Nakakatuwa ito para pamilya lalo na sa mga ina dahil may sapat na suporta ang gobyerno sa kanyang sanggol. 

Sabi nga nila, hanggang may buhay, may pag-asa. Sana nga ay dumating din ang araw na magkaroon din tayo ng sapat na suporta galing sa ating gobyerno at hindi tayo kakabahan sa kalusugan o paglaki ng mga bata at lalo na sa kinabukasan nila.

1 comment:

  1. kung sakali man, ilang milyong chikiting kaya ang kelangang bigyan ng gobyerno ng ganyang klaseng supurta?

    ReplyDelete