Monday, 18 July 2011

Last day of my 2-day Cebu Tour


Rise and Shine Cebu!

Ituloy ang saya sa Queen City of the South

Taboan Market with Kaka
Portofino Beach
After breakfast, we went to Taboan Market. Dito makikita ang wide variety ng mga daing at ang masiglang dried fish industry ng Cebu. Samu't sari ang uri ng mga daing dito. Mayroong dinaing na buong isda, debone o walang tinik at mayroong dinaing na tinik lamang. Mayroong simpleng nilagyan ng asin, hanggang sa isdang ginawang tocino. Mayroong isdang tuyong-tuyo, mayroon ding medyo basa ng kaunti. Masaya mag ikot ikot dito ngunit asahan mo na ding kasama mo ang amoy ng buong lugar hanggang sasakyan.

Pagkatapos naming mabusog sa free tasting at amoy ng lugar, lalo pa naming binusog ang aming mga tyan sa isang lechon lunch! Thinking of healthy diet? Not now!

Last place to go? Let's try the beach!
We went to Portofino Beach, Marigondon 3hours before our flight. Bitin? Nope! Just the right time for it.


At ito ang aming dalawang araw na Cebu tour.


MAXIMIZING and MANAGING time! ('yan ang natutunan ko sa dalawang araw ng paglilibot)



Cebu Tour, June 2010

No comments:

Post a Comment