Tuesday, 20 September 2011

OK lang...

Sino pa kayang Pilipino ang hindi pa nakarinig o nakapagbigkas ng mga katagang ito - "OK LANG".

Sa ating kulturang Pinoy, ang "ok lang" ang isa sa pinakasikat at pinakagasgas na linya. Convenient at versatile kasi ito.  Palitan mo lang ng mga punctuation marks, dagdagan kaunti ng ilang salita at sabihin sa iba't - ibang tono. AYOS!, Magfifit in na sa kung anong sitwasyon ka man naroon.

Masaya - OK na OK pare!
(masiglang bigkas)

Galit     - Ok ka lang?!
(mabilisang bigkas na may bigat)

Tamad  -  Ok lang..
(mabagal na bigkas)

Concerned citizen - Ok ka lang ba pare?

(patanong na bigkas na waring nang uusyoso)

...at madami pang iba.

Bakit nga ba nahiligan nating sabihin ito? Ito kasi siguro ang pinakamadaling sabihin sa kahit anong sitwasyon at tinatanggap naman ng karamihan.  'Yung tipong tamad ka nang mag-isip ng mas may lalim na tanong o sagot. At kung hindi ka naman interesado sa kausap mo, e bat ka pa nga naman mag iisip, hindi ba?

Ngunit, sa ibang mga pagkakataon naman, paganahin naman natin mga utak natin. Example, namatayan yung taong kausap mo at  tatanungin mo ng "ok ka lang ba?" Ano sa tingin mo? Ikaw na nagtatanong, naranasan mo na bang mamatayan o di kaya ay mawalan ng importanteng tao sa buhay? At kung hindi ka pa nakontento, sasabihan mo pa ng "ok lang yan pare". E malamang naman na alam mo na hindi ok 'yun dahil hindi lang yun parang naagawan ka ng candy ng kalaro mo. Isa pa, nakita mo ng iyak ng iyak ang kaibigan mo tapos babanatan mo ng - "Ok ka lang?". Ano ba ate? 'Meron bang taong "ok" na iyak ng iyak?

Bakit nga kaya natanim sa sistema natin ito? Dahil ba "play safe" tayong mga Pinoy? Wala ba tayong paninindigan na lagi nalang "ok lang"? Takot ba tayong pumili ng stand natin sa buhay at kahit sa simpleng bagay na itatanong sayo, kunwari, "Gutom ka ba?", ang isasagot pa din natin ay "ok lang"? Saan ba patungo ang sagot na "ok lang"? Kung ikaw ay pessimist, maiintidihan mong, HINDI pa siya gutom at kung ikaw naman ay optimist, maiisip mong, OO gutom na siya. 


Kaya kung may kausap kang ganito ang sagot sayo dahil  tinamad na siyang mag-isip, pwes! ikaw naman ang kailangan mag isip ngayon sa kung ano mang ibig niyang sabihin sa mga katagang ito.

Nakipag usap ka pa kasi sa kanya.


Singapore, Sep 2011. Inspired by WOTL of Lourd de Veyra.

Wednesday, 14 September 2011

mahabang BYAHE = mahabang SAYA

Long distance drive - El Nido to Puerto Prinsesa. Around 5-6 hours.

Bagot? Masakit sa pwet? Walang magawa?

Pwes! Iba ang kwento namin. Na enjoy namin ang long distance drive from El Nido to Puerto Prinsesa. Sa katanuyan, ayaw pa nga sana naming makarating sa pupuntahan namin. Pinapagrelax namin ang hot na hot naming driver na tumatakbo ng 120km/hr na walang preno sa mga kurbada at lubak. Ngunit salamat sa larong "Pinoy Henyo" (from Eat Bulaga) at pansamantalang nakalimutan ang byahilo, ang takot sa mga kurbada at dinedma ang sakit ng pwet sa pagkakaupo.

Hinati namin ang aming grupo sa dalawa - isang grupo ay tatlo at ang isa naman ay apat. Nagpalitan kami ng mga salita(words) na ipapahula sa isa't-isa. Walang kategorya, sariling gawa. Ang matatalong grupo ang bibili ng pagkain at iinumin namin nung gabing iyon.

Nagsimula na nga - ang tilian, ang tinginan ng magkakagrupo na waring gustong kainin ang taya, ang tinginang kulang nalang ay sabihing ang t*nGA mo!, ang tawanan, ang sakit sa ulo dahil sa matinding tawanan at hindi mamatay matay na tawanan.

Ilan sa mga pinahulaan naming mga salita ay tatto, Las Vegas, gabi(root crop), damo, pako, airport, poste. Ngunit ang hindi ko makakalimutan na salita at moment dito ay ang pagpapahula sa salitang bisikleta.
(Legends: N - Nanghuhula, T - Teammates)
N- Bicycle?
T- OO (sabay tango ang dalawang kasama)
N- Kadena?
(hagalpak sa tawanan ang lahat!)T- Hindi
N- Gulong?, Preno? Upuan?
T I M E  I S  U P!!!

Pati ang hot na hot naming driver ay hindi napigilang mainis at magcoach sa katabi niyang nanghuhula.


Team A - PANALO!
Team A - PANALO!

Team A - PANALO!

Team B - hindi PANALO!
 
Team B - hindi PANALO!

Team B - hindi PANALO!

ang hindi mababayarang saya!

Isa ito sa mga hindi mababayarang kasiyahan namin nung araw na 'yon. Kaya sa mga susunod na mahaba habang byahe, hindi problema yan. Siguraduhin lang na game sa kasiyahan ang mga kasama at walang killjoy at anti-social. Kung hindi, iPAKO na yan sa POSTE!
GOOD TIMES!


El Nido - Puerto Prinsesa Drive, Aug 2011

Tuesday, 13 September 2011

Napasaya mo ako, Pico de Loro (2 of 2)

  

 Pagkatapos ng ulan, kidlat at kulog, isang maaliwalas na umaga ang tumambad sa amin. Salamat sa magandang panahon nung araw na 'yon. Naglakad lakad sa paligid at nag site ng own location for morning rituals. Sssh ssh lang naman.

 Ang kahapong madulas na trails at madilim na paligid ay napalitan ng kaaya-ayang tanawin, clear sky at may bonus na morning breeze pa.

morning breeze

ayun oh! maya maya lang, andyan nako!

magnificent view

Nang mabusog na ang aming mga mata at tyan, naghanda naman ang lahat sa last assault sa Summit 2(bundok na katapat ng Pico) at Summit 3(Parrot's beak o ang Pico de Loro).  Masasabi kong physically demanding ang akyat na ito dahil sa matatarik nitong trails ngunit napawi lahat 'yan ng overlooking Batangas, Bataan, Mindoro at Cavite - an aerial view.


Hindi man namin naakyat ang summit ng Pico de Loro dahil sa pagkapigtas ng lubid na nakakabit dito, masaya pa rin kaming bababa dito lalo na't Nasugbu trail ang aming daan pababa. Another daring adventure!
At hindi nga ako nagkamali, daring nga ito! Kung gaano kahirap ang trails ng Ternate(Cavite), walang wala ito kung ikukumpara sa Nasugbu(Batangas). Parang lahat kami ay naging bata dahil sa pa-slide na daan at ala-monkey bars gamit ang mga kawayan. Sabi nga ng mga alumni/beterano na kasama naman, hindi pwedeng "rumatrat"(rumatrat - bilisan ang paglalakad/pacing) dahil dadahusdos ka talaga.  

Sa mga aakyat ng Pico De Loro, I suggest you do the traverse climb (Ternate-Nasugbu). Its a little bit difficult but it is really fun, dirty and fun ulit!


Pico De Loro, August 2011


Sunday, 4 September 2011

Napasaya mo ako, Pico De Loro (1 of 2)

At heto nanaman po ako, aakyat nanaman ng bundok ng wala man lang BMC(Basic Mountaineering Course) at higit sa lahat, wala nanamang cardio exercises. Hay! Isususgal ko nanaman ba ang aking katawan?

Wala naman talaga sa plano ko ang sumama sa boyfriend kong umakyat ng Pico De Loro ngunit dahil sa mga circumstances ay napasama na din ako. Ito ay ang unang akyat ng mga aplikante ng SBMS S.Y. 2011-2012 (San Beda Mountaineering Society) na kung saan ay myembro si boyfriend at alumni na. At dahil d'yan ay maari silang magsama ng guest at ako nga iyon kasama ang kaibigan kong si Che.

Umalis kami ng Manila ng mga 8am patungong Ternate Cavite, nag stop over sa Maragundon para bumili ng pananghalian at nagtungo na sa DENR office upang magregister at magbayad ng PHP 20 per head. Take note, register lang ito at wala kung ano mang briefing galing sa mga taga DENR.

 
Tayo na't umpisahan ang trekking

Pagkatapos ng pagdadasal as a group at konting warm-up exercises, sinumulan na namin magtrek ng 1030am. Nakarating kami sa 1st base camp after 30minutes. Dito na kami naglunch. maganda sa 1st base camp, malinis, may CR at pwedeng magrefill ng tubig. Kailangan ding magregister dito at magbayad ulit ng PHP 20 per head. Bakit magbabayad? Dahil sa paggamit ng kanilang mga pasilidad. Sabi nga ni ate Yolly (lokal, isa sa mga namamahala), buti pa nga daw sila ay may karapatang maningil ginagawa nila ang kanilang trabaho sa pagbibigay ng ganitong lugar sa mga umaakyat ng Pico, samantalagang ang DENR daw ay tumatanggap lamang daw ng pera. (Tama nga naman) Ayon sa mga taga DENR, sanay naman daw sa masukal ang mga mountaineers kaya hindi na kailangan pang linisin ang trail (Ano sa iyong palagay?)

 
Mabatong daanan patungong Pico de Loro

Nagtuloy tuloy ang aming trekking. 
Pahinga muna mga bata (mga aplikante ng SBMS, 16-17yrs old)
Para sa isang baguhang umaakyat ng bundok na katulad ko, medyo mahirap nga ang trail dito kung ikukumpara sa Mt Pulag at Mt. Pinatubo (opo, dalawang bundok palang naakyat ko), ngunit iba iba talaga ang karakter ng mga bundok.  Mahirap nga ang trail dito pero normal lang naman ang breathing dahil hindi masyadong mataas ang elevation, kaya madali na din.



The view from the Ridge
Sa paghahanap sa campsite, naligaw kami at napunta sa ridge.  
Masukal na daan patungong Ridge
Isa sa mga peak na nagbibigay ng magandang tanawin. Bago ang paghahanap ng tamang daan, syempre hindi makakalimutan ang photo ops. Pagkatapos ang hinanap ni boyfriend ang trail patungong campsite at naghintay kami sa kung nasaan kami kasama ang mga aplikanteng pagod na pagod na.
ang nagsilbi naming silungan ng gabing 'yun
 Inabot na kami ng ulan saka dumating ang rescue team mula sa aming mga kagrupong nakahanap ng tamang daan.   Malakas ang ulan, humahangin, kumukulog, kumikidlat, umaagos ang tubig kasama ng mga putik. Mahirap na nga ang trail, naging madulas pa! Walang kasing saya ito!

Pinatila muna namin ang ulan bago kami nag set up ng mga tents namin at nag ayos ng mga basang gamit.   Dumating ang kasama namin (mga alumni) sa grupo ng mga 11pm(afternoon batch). At dahil kaunti palang ang exposure ko sa buhay bundok, natuwa ako sa mga hinanda nilang dinner. Nagluto sila ng sinigang na baboy (may kangkong, labanos at okra), beef lumpiang shanghai at fried chicken (dipped in egg and breadcrumbs). Hindi ko naisip na pwedeng lutuin yun sa bundok ah. Akala ko mga canned goods at pasta lang ang pwedeng ihanda sa bundok. Next time!



Pico de Loro traverse climb, Ternate Cavite - Nasugbu Batangas August 2011