Tuesday, 26 July 2011

My not-so-ordinary pair of shoes

This is "my not-so-ordinary shoes". It can't be seen in any store or bought in SM.
Hand-painted specially for me,  a fruit of love, passion and commitment.
It's with me for more than a year now but the designs and colors are still fine :)

Maewander's shoes
I have received this lovely gift March of last year and was surprised to see this work of art because I myself can't even draw a perfect circle. Honestly, it's just way beyond my expectations. I actually know that I will be recieving a special crafted shoes from him but not this perfect. It was just superb! Seeing my name printed on the shoes was one thing more to be proud of. Bragging right ba!
It was originally a white advan shoe



 



Anyway, if you want to know more about the product and the one who made it (Spurkplogs), you could go to their fan page - http://www.facebook.com/spurkplogs or email them at plogsshoes@yahoo.com.
You could tell them what designs or concepts you like to reflect on your shoes.

They are great, talented, PINOY artists!


Customized shoes that suits person's individuality and personality. - Chito (Spurkplogs member)


A not so ordinary shoes from a friend then and my love now, March 2010

Friday, 22 July 2011

FlyFish in Boracay!

Bakit ka pupunta sa Boracay?
- Para mag swim?
- May problema ka bang gustong kalimutan?
- Gusto mo bang lumipad?
- Gusto mo bang sumigaw?
- Gusto mo bang mag enjoy?
Pwes! Isang sakay lang yan sa flyfish at siguradong tanggal ang memory card ng utak mo.

I was excited but having second thoughts as well when my group decided to try the flyfish. But, I love adventures so i said YES!

This is it pansit! We were five in a group and manong bangkero strategically arranged us on the inflatable raft. If you want to spice up this adventure, position yourself not on the middle part of the raft. Hatak hatak na kmi ng motorboat papunta sa masmalalim na parte ng dagat.



It's just really like a banana boat until...


zoom! The motorboat increased the speed that made the raft literally lift up 45degrees from the surface and there's more, the raft turned side ways. And the results?


We were thrown out into the waters. 
Evidence #1 - Ate gi going back to raft

Evidence #2 - Nasaan na ako?

Evidence #3 - Bakit nasa motorboat na ako?
Evidence #4 - My turn to go back to my position
Evidence #5 - Bakit tatlo nalng sila?
Evidence #6 - Bakit nawala yung dalawa?
We were so much satisfied and overjoyed!

Flyfish is a must in Bocaray. It cost 550-650php per person but it's worth it!


I am back in Boracay, May 2010



Wednesday, 20 July 2011

Nasaan ba ako?


"Che, bakit puro Borneo ang nakalagay sa mga souvenirs? Nasa Borneo ba tayo?" - 'yan ang mga tanong ko sa kaibigan kong si Cherry ng minsan kaming naglibot sa Kota Kinabalu.


Tinatanong ako palagi ng mga kaibigan ko kung saan ang destinasyon ko kapag umaalis ako, at pabiro kong sinasabi sa kanila na pupunta ako sa Borneo. Naririnig ko ang salitang Borneo nooong nasa elementarya pa ako. Wala akong masyadong alam dito kundi malapit ito sa Mindanao. Hindi ko din pinangarap na pumunta dito, ngunit, andito ako. Nasa Borneo! (ng hindi ko alam)


Whenever I go out of town or out of the country, I make sure that I have read something about my destination to know its whereabouts, the best restaurants and food, the festivals, the language and other basic information.  Why? Because I need to. I used to work in a travel agency but ironically, I do not use or avail any package tour when I travel. I design my own itinerary at my own pace. But why didn't I know that I am actually in Borneo? Well, because I didn't READ. My bad!



Thank you to Cherry for sharing her free 3D2N Hotel Shangri-La Kota Kinabalu to me, Oct 2008

Tuesday, 19 July 2011

VOTE for ERIC!

Please vote for my cutest nephew, Eric, at OH Baby New Zealand!

Instructions:
1. Click - http://www.ohbaby.co.nz/community/ohbaby!-baby-of-the-year/entries.
2. Go to page 67
3. Look for Eric. He is on a white basket.
Eric
4. ClickVOTE.


Cast your votes until August 31, 2011

I would highly appreciate your support.
Thankyou in advance!

Monday, 18 July 2011

Last day of my 2-day Cebu Tour


Rise and Shine Cebu!

Ituloy ang saya sa Queen City of the South

Taboan Market with Kaka
Portofino Beach
After breakfast, we went to Taboan Market. Dito makikita ang wide variety ng mga daing at ang masiglang dried fish industry ng Cebu. Samu't sari ang uri ng mga daing dito. Mayroong dinaing na buong isda, debone o walang tinik at mayroong dinaing na tinik lamang. Mayroong simpleng nilagyan ng asin, hanggang sa isdang ginawang tocino. Mayroong isdang tuyong-tuyo, mayroon ding medyo basa ng kaunti. Masaya mag ikot ikot dito ngunit asahan mo na ding kasama mo ang amoy ng buong lugar hanggang sasakyan.

Pagkatapos naming mabusog sa free tasting at amoy ng lugar, lalo pa naming binusog ang aming mga tyan sa isang lechon lunch! Thinking of healthy diet? Not now!

Last place to go? Let's try the beach!
We went to Portofino Beach, Marigondon 3hours before our flight. Bitin? Nope! Just the right time for it.


At ito ang aming dalawang araw na Cebu tour.


MAXIMIZING and MANAGING time! ('yan ang natutunan ko sa dalawang araw ng paglilibot)



Cebu Tour, June 2010

Mula AparrI…


Mula Aparri Hanggang Jolo
Saan ka man ay halina kayo
Isang libo't Isang tuwa
Buong bansa... Eat Bulaga

- ito ang pinakasikat na kanta sa ating bansa na nakasama ang bayan naming Aparri. Sino nga bang Pinoy ang hindi nakakaalan o nakarinig man lang nito? Salamat sa Eat Bulaga na nagpakilala sa aming abang bayan sa madlang people. Ngunit, sapat na nga ba na malaman ng mga Pinoy na may bayan na nagngangalang Aparri?

WELCOME to Aparri!
Kapag sinasabi kong taga Aparri ako, madalas nagugulat ang kausap ko. Sabi ko sa sarili ko, "anong mayroon sa Aparri at nagugulat sila?". Ano ba itong gulat na ito? Pagkatakot ba o pagkamangha? Tinatanong din nila kung anong nakikita doon. Kung nabubuhay ba daw kami sa kadiliman o naghahapunan na ng alas singko  ng hapon? Aba! Up-to-date kaya kami sa kung anong mayroon sa syudad at sa bagong teknolohiya. Mayroon kaming sariling istasyon ng radyo, 'yun nga lang madalas inaagaw ng mga istasyong Instik ang DZMM at DZRH dahil mas malapit na kami sa Formosa (Taiwan) kaysa sa Maynila. Kaya hindi lamang Ybanag o Ilokano ang kaya naming salita, marunong din kami ng Tagalog at Ingles (hindi salitang intsik). Mayroon kaming internet connections at linya ng telepono. Marunong kaming gumamit ng ATM. At higit sa lahat, mayroon kaming Jollibee. (Nakakatawa man ito sa iba ngunit ito ay mga ebidensiya na umuunlad ang aming bayan at ang mga tao.)

China Sea
Aparri Pier



Gakka
Maraming orihinal sa aming bayan. Sa bansag palang dito na "Aparri -
where the river meets the sea", sa Aparri mo lang makikita ang pagtatagpo ng higanteng China Sea at pinakamahabang ilog sa buong bansa na Cagayan River. Makikita din sa amin ang pinakamahal at pinakamasarap na isda na kung tawagin ay ludung sa halagang PHP3500/kilo. Sagana din sa amin ang pinsan sa laki ng Pandaca Pygmea na tinatawag naming Ipun(Ilokano), Ifun(Ybanag) o Dulong sa Tagalog. Ipinagmamalaki din namin ang alamang (aramang" sa aming dyalekto) dahil sa kulay dalandan nitong akin, at nagniningning kapag nasisinagan ng araw.
Aramang
Sa Aparri din maaaring matikman ang isang uri sa molusko tinatawag na gakka. Dapat din matikman sa amin ang sarilin naming bersyon ng sopas na tinatwag na miki,  at ang kakaibang timpla namin ng longganisa na hahanap hanapin ng panlasang Pinoy. Ginaganap din sa amin ang "fluvial parade" sa Cagayan River tuwing kapistahan ng aming bayan sa pagpapasalamat sa aming patron na si St. Peter Thelmo. Higit sa lahat, maipagmamalaki dito ang mga lokal dahil sa pagiging sadyang matulungin, magalang at matapat.


Makatungtong ka lang sa Aparri, isa na itong bragging right para sayo!

 

DISCLAIMER: Salamat kay Onats Cinco, JP Balisi at Igor Tesoro sa ilan sa mga letratong ginamit.
Nakasentro ang artikulong ito sa Aparri East kung saan ako lumaki.


Tuesday, 12 July 2011

Tagong Paraiso


Malugubat, Sta Ana, Cagayan Valley


Sino ang nakarinig o nakarating na dito? Marahil ay kakaunti pa lamang ang nakakaalam sa liblib na lugar na ito. Ako man na nakatira malapit sa bayang ito ay walang alam tungkol dito.

Napuntahan ko ito dahil sa naligaw kami. Buti na lamang at nangyari ito. Siguro nga ay nais talagang ipakita sa amin ang napakagandang paraisong ito. Nakapunta na ako sa Boracay, Camiguin at Panglao Beach na ilan sa mga kahanga hangang beach sa bansa. Ngunit, parang kinabog silang lahat ng beach na ito.

Serene, walang alon, peaceful, picture-perfect!

Napag isip-isip ko tuloy ang Boracay. Marahil dati ay ganito din siya ngunit ito ay nadiskobre. Nakakaawa ito sa dami ng mga gusaling nakatayo dito at gamit na gamit sa komersyalismo. Hindi kaya siya nabibigatan sa lahat ng mga nakapatong sa kanya?

At ang Malugubat beach, manatili kaya siyang nakatago o hindi din ito palalampasin ng mga kapitalista at komersiyalista? Kung ganun pa man, sana ay panatilihin ang kagandahan nito at irespeto ang kultura nito.



Ito ang isa sa mga lugar na nakaramdam ako ng muling paghanga sa mga katangi-tanging lugar natin sa Pilipinas na regalong bigay sa atin ng May-gawa.


Malugubat, Sta Ana, Cagayan, Oct 2010

Thursday, 7 July 2011

1st day of my 2-day Cebu Tour

This is one of my most amazing weekends of my life. A 48-hour tour(less than 48 hours actually) of Cebu and almost covered all its best parts. A pre-birthday celebration for me and Dez. A fun-filled journey with my friends and sister and most of all, it was for free!

Sinong nagsabi na bitin ang dalawang araw para libutin ang Cebu? Pwes, ako, hindi ako maniniwala kasi nagawa namin at nag enjoy kami.

We got the 1st flight out from Manila and the second to the last flight from Cebu of Philippine Airlines. Wondering why the second flight out? It is for emergency purposes. If there will be any delays or cancellation, we could always be bumped to the next flight.

Upon arriving from Cebu, we were met by
two Sageants (not one, but TWO). Not for detaining or arresting us. Malayong mangyari yun. They were provided by the Air Reserve Command, AFP for us. Hindi lang sa may libre kaming sasakyan to roam around the city, meron din kaming driver at escort.

After the hotel's check-in procedure, we had our breakfat in Jollibee and went straight to Taoist Temple, Magellan's Cross, Cebu Cathedral Church and Sto Nino Church.
Personally this is the most overwhelming part of my trip because while we were walking, the two sargeants are really guarding us. Para kaming celebrities na may PSG. Anyway, we had some photo ops and before we knew it, lunch time na pala. What's the best thing for lunch in Cebu? Ano pa? E di ang puso(hanging rice) at lechon. Totoo nga, iba nga ang lasa ng lechon ng Cebu. You should try it :)

CNT Lechon at puso (hanging rice)

Taoist Temple with Kleng and Kaka
ever famous
After lunch, we went to Alegre Guitars and bought some cute small guitars for people back home. Lapu Lapu Shrine was our next destination and we didn't know that this is the haven for shoppers for pasalubong. If I were you, buy your pasalubongs here.
For our night life, start it with the Crown Regency's Buffet Dinner. Follow it with Skywalk and the breath-taking Edge Coaster. I have more fun doing the edge coaster :) Next was the 4D show, still in Crown Regency. We have finished all of these by 12midnight. But wait, there's more. An exclusive Club36 show just for us! Actually, I don't have any idea about this show, until.... (see it for yourself)
edge coaster with Kaka
                          
1st day- DONE!

Cebu with Kaka, Kleng, Dez and Wanda, June 2010

 

Tuesday, 5 July 2011

Makulay na Tulay na gawa ng isang Pinay


Makulay ang Tulay ng Pinay
        


Ito ang Alkaff Bridge o tinatawag din na "Singapore Art Bridge". Binigyang kulay at buhay ng ating isang kababayan na si Pacita Abad bilang regalo sa mga Singaporeans. Matatagpuan ito Singapore River sa Robertson Quay.

crosses Singapore River

   

Masasabi kong ito na ata ang pinakamagandang tulay na nakita ko. Nakakapagbigay sigla at saya sa mga turista lalo na sa mga Pilipinong pinagmamalaki ang kanilang lahi.

 
          

Kung kayo man ay mapadaan sa Singapore, sana ay mabisita niyo din itong makulay na tulay na ito na gawa ng isang Pinay!

Lakbay sa Singapore kasama ang ate at dalwang kaibigan ng noong June 2008

Friday, 1 July 2011

Regalong Pampabata

 Nagring ang telepono. May package daw para sa ate ko. Wala kaming inaasahang magpapadala ng package noon pero bumaba na din ang nanay ko para kunin ito. Pagkakita ko nito, walang nakasulat kung kanino galing. Mayroong sticker lang ng "Reach Me LTD" isang kumpanya na nagbibigay ng mga LIBREng sampol ng mga gamit pambata. Excited akong binuksan ito (kunwari sa akin). At natuwa ako sa mga laman nito. 

ang kahon
 ang mga laman ng kahon

Carnation Evaporated Milk
masarap pang agahan ni baby

Milo, isang kutsara at marmite (ang paboritong palaman sa tinapay ng mga Kiwi)

dalawang nappy(diaper) pants at ointment para sa nappy rash

 mga sabong para sa sensitibong kutis ng bata

mga babasahin para sa ina at isang $450 gift certificate para sa libreng photoshoot ni baby
may ari ng package - isang taong gulang kong pamangkin


Bigla kong naisip ang mahal kong bansa. Magkakaroon kaya tayo ng katulad nito? Hindi lamang kasi ilang sampol ng pagkain o gamit ang binibigay ng gobyerno nila dito sa NZ kundi mayroon ding scheduled na dalaw ang midwives at nurses sa mga ina at mga sanggol upang tingnan ang kanilang kalagayan. Nakakatuwa ito para pamilya lalo na sa mga ina dahil may sapat na suporta ang gobyerno sa kanyang sanggol. 

Sabi nga nila, hanggang may buhay, may pag-asa. Sana nga ay dumating din ang araw na magkaroon din tayo ng sapat na suporta galing sa ating gobyerno at hindi tayo kakabahan sa kalusugan o paglaki ng mga bata at lalo na sa kinabukasan nila.